PALIGOY-LIGOY

41 0 0
                                    

"Oooh Ohhhh"

**

Lahat naman siguro nakaranas na magkaroon ng Crush di ba? Mapababae, lalaki, bakla, tomboy at sino mang eklavu chenes diyan.

Naalala ko yung teacher ko nung Grade 5 ako. Sabi niya ang taong walang Crush ay Abnormal.

CONGRATULATIONS!

ISA AKONG DAKILANG ABNORMAL.

At least maganda. HOHO XD

Ewan. Di naman kasi ako yung tipo na madaling magkacrush. Choosy ako eh. Ganun talaga pag maganda.

Seryoso na.

Elementary.

High School.

Wala eh.

Wala akong crush na totoong tao lahat sila nageexist as Anime Characters lalo ba kay Lelouch Lamperouge ng Code Geass. Ang gwapo niya kaya. ^o^

Pero crush na ba tawag dun?

"Hoy babaeng abnormal! tulaley ka nanaman."

"Ay palakangkamukhamo!" sigaw ko pabalik. Aray. My precious ears.

"Ano? Kamukha ko palaka? Letse ka" sabay batok sa akin.

Yang namatok at nanigaw sa akin. Si Gabby. Gabriel John Romero. Bakla yan. Bestfriend at blockmate ko. Sayang ang gwapo niya nga eh at habulin ng mga babae kaso nakiki'Eba na. ( ̄. ̄)

Ay bago ang lahat ako nga pala ako si Jane Mendoza. College students dito sa PUP. Engineering Student.

"Ang sadista mo talaga. Nagulat lang naman ako sayo eh."

"Iniisip mo nanaman si Super Crush mo ano?"

(⊙o⊙)

"Wag ka maingay! Tae ka Gabriel John!"

"Hahahahaha. Eh si JC yung super crush mo diba? tsaka wag mo ako tawagin sa name ko na yun. Gabby my dear."

Tama kayo ng nabasa.

Ngayong college ko nalaman ang totoong meaning ng Crush.

As in sa totoong tao na nageexist.

Yung tipong pag nakita mo siya kinikilig ka.

Natatameme ka pag kaharap mo siya.

Hirap magkacrush pala.

Buti pa sa Anime world nagiging posible ang imposible.

"Hays." T_T

"Oh. Lalim nun ha. May pinaghuhugutan lang Bakla?"

"Hirap pala nito ano? Di man lang niya alam na nageexist ako. Heto ako palihim na hinahangaan siya. Mabuti pa si Lelouch Lamperouge, bumili lang ako ng posters ng pagmumukha niya sa comic alley okay na ako. Masaya na ako. Buo na ang araw ko. Inspired na ako. Eh kay super crush dadaanan lang ako. Pag nagsalubong wala. Kailangan ko pang magpapansin para mapansin o kaya maging stalker makita lang siya. Ampupu. Muntimang lang ako bakla. Huhuhu"

*Pak*

T_T

"Langya Gabby. Ang sakit nun. Bakit kailangan mangbatok. Arayyy."

"Kung magdrama ka akala mo boyfriend mo na yung tao. Umayos ka nga. Crush mo lang yung tao. C R U S H okay? Drama pa suntok na susunod na matitikman mo."

"Masarap ba yun?"

*PAK*

T_T

"Aray. Joke lang naman eh. Nakadami ka na ng batok. Bobobo ako neto eh."

"Okay na yun. Matanggal man lang yang katangahan at kabaliwan mo sa katawan. Trip mo ha. Tara na may klase na tayo. Bilisan mo."

"Grabe bestfriend I hate you."

"Hahaha. Kunware I love you narinig ko."

**

AN/

Hiii. Puro on-going stories ko. Huhuhu. T.T Promise tatapusin ko po. Hahaha.

MuahHugs.XOXO

- ckmnstr

PALIGOY-LIGOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon