2

40 4 9
                                    

“ Mate, nakakarami ka na.”

Naka walong shot na si Macky ng alak, at ramdam nya unti unti nang umeepekto ang espiritu ng alak sa kanyang katauhan. Just what he needs right now. Kailangan nyang lunurin ang sarili nya, kung hindi baka makakagawa siya ng bagay na pagsisishan nya sa huli.

“ Macky, kung ano man yang problema mo, hindi solusyon ang alak mate!” sabi ni Warren.

Di sila magkasama na pumasok sa bar na iyon.  Mas nauna si Warren sa loob ng biglang niyang napansin ang pagpasok no Macky.  Dati silang magkasam na nag-Training noon sa Narvaez. Though hindi talaga sila naging close, katulad ng kina Macky at Leo.

He knows Macky, alam niya na tahimik ito na tao, alam din niya na hindi ito sanay na nag-iinum kaya may hinala siya na may problema itong dinadala. Di din lingid sa kaalaman niya ang nangyari sa buhay nito ng dahil lang sa kunting alak, at may duda siya na iyon pa rin ang dahilan ng problema nya ngayon.

“ Im okey mate, kaya ko ito, I just badly need this right now” sabi ni Macky sa kanya ng inilayo na ni Warren ang isang baso ng alak na nilapag ng waiter sa table nila.

“  Are you sure Mate? As much as I want to stay long pero may duty ako 3 hours from now.” Si warren

“ Positive. Saan byahe mo?” Balik tanong nya kay Warren.

“Nasa Fastcraft ako Mate, Bohol-Dumaguete-Cebu route namin.”

“ Narvaez” it is more a statement than a question.

“Yes. Are you sure you are okey, hatid na kaya kita sa apartment nyo, may dala akong sasakyan.” Untag uli ni Warren sa kanya.

“thanks Pare. May-maya ng kunti labas na din ako I have a flight also tomorrow.”

“May dala kang sasakyan?”

“Nope.  Taxi na lang ako, salamat uli.”

He was on his last shot, nang mapansin nya ng isang babae na nakaupo sa isang bar stool sa  harap ng mini bar.  She looks drunk, pero may poise pa din siya.  Typical na socialites, he knows, kasi hindi naman siya mukhang mababang uri ng babae.

Hindi nya alam kung dahil ba sa madami na syang naimum or what pero there’s something about the girl that fascinates him.  Maybe because she looks so sure of herself, kahit lasing na siya. Maybe because of how she handles herself nang may lumapit sa kanya na lalaki and tried to make a pass at her.  At ang liit nya, without her curves and all, mapagkakmalan mo syang bata na naligaw sa bar na iyon.

Napailing na lang si Macky sa naisip nya.  Di na nya maalala kung kelan siya last na nagkakainteres sa isang babae.  After Danni, mabibilang lang sa daliri nya sa isang kamay ang babae na napagtuunan nya ng pansin, pero kahit isa sa kanila walang makagawang makapagpalimot sa kanya sa babaeng una at huli na yata nynag mamahalin.

Napatingin uli sya sa gawi ng babae ng bigla nitong pinaikot ang upuaan na kanyang kinaupuan paharap sa dance floor.  She manage to ease herself pababa sa upuan with grace.  Pati paglalakad nya paunta sa gitna ng dance floor ay parang naghihikayat sa kanyang kaloob loban na sundan ang babae pero ano naman gagawin nya kapag nasa gitna na siya.

He doesn’t know how to dance.

He continued watching her, her every moves, tapos napansin ni macky na may isang lalaki na lumapit sa babaeng yon, he seems to know her the way he approaches her, nagulat pa siya ng biglang ilambitin ng babae ang dalawang kamay nito sa leeg ng lalaki, sabay giniwang giwang nito ang kanyang  balakang sa harapan ng lalaki.

Northern StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon