Canteen (First Meeting)

2 0 0
                                    

Chapter 3

Kamille's POV

Nag upisa na ang klase, at gaya ng nakagawian nagpasa kami ng index card na may kasamang 1x1 pic.At Nagpakilala kasi may ilang transferees and then..

Kkrrriiiiiiing!....

Nagring na ang bell, hudyat na tapos na ang first period at favorite naming lahat na subject.. walang iba kundi ang "RECESS". XD Kaya naman niyaya ko sila Kath at Jessy pati na rin Jake na pumunta sa canteen.

Uupo na sana ako sa table namin nila Kath dala ang burger at juice na binili ko ng biglang may sumagi saking likod na dahilam para matapon sa damit ko ang juice at ketchup ng burger na hawak ko. Namumula ako sa galit dahil favorite shirt ko pa naman tong nalagyan ng mantsa!. At akmang haharap na sana ako sa likod para tingnan kong sino yung halimaw na nakasagi sakin ng makarinig ako ng...

"Boooogsh...." isang napaka lakas na suntok galing sa likod ko at may sumigaw pa na "Bastos ka aahh!" 

Oh no! pagharap ko! nakita ko na nakahiga sa sahig si Tristan my Love, habang hawak yung panga nya at tinitingnan kong may dugo dahil sa malakas na suntok sa kanya.

Dali-dali ko siyang nilapitan..

"Tristan, ok ka lang ba? na-naku sorry.. sorry talaga"Nauutal na sabi ko.

Ang mokong na si Jake pala ang sumuntok sa ang Tristan my Love!..

Tristan's POV

Recess na, naglalakad ako kasama ang barkada patungong canteen habang nag aasaran at nagtutulakan ng masagi ko ang isang babae.

"Hala! Tristan Lagooooot ka!" Pananakot ng mga unggoy kong kabarkada ng matapon ang hawak na pagkain ng nasagi kong babae. Hahawakan ko na sana siya sa balikat para magsorry ng biglang tumayo ang isang lalaki na naka upo sa table nila at "bogsssh.." isang malakas na suntok ang natanggap ko galing sa kanya na dahilan para matumba ako sa sahig.

Tatayo na sana ako nang may biglang lumapit sakin na isang babae, matangos ang ilong,kitang kita mo sa mga mata nya ang pag aalala, at walang bakas ng kahit na isang pimples sa kinis ng muka nya. Nagsosorry siya sakin habang inaalalayan nya kong tumayo.

"Hindi miss, kasalanan ko naman talaga ehh, sorry huh" Pinagpagan ko yung damit ko sabay ngiti sa babaeng nasagi ko bago ako umalis palayo sa kanya.

Jake's POv

Nagdiklap ang paningin ko kanina, dahil natapunan si Kamille ng juice at ketchup kanina at pati yun paborito kong polo nadamay pa! kaya naman inupakan ko agad ng suntok ang lalaki na sumagi sa kanya. Pasalubong pa kaya ni dad tong polo na po from Swiss kaya naman iniingatan ko to.Kaya dapat lang yun suntok na yun sa lalaki na yun.

Nagulat ako nang lumapit si Kamille kay Tristan at nagsosorry siya. Siya na tong nag agrabyado siya pa yung....hay ala! ewan! Pag alis nung lalaki nilapitan ko si Kamille, for sure galit siya kasi sinuntok ko lang naman ang Ultimate Crush nya.

"Ano yun? Para san sorry mo kay Tristan ikaw na nga yang natapunan" hindi pa rin siya umiimik

"Kamille ano ba? umimik ka naman!" Still nakatingin lang siya sa sahig.

"Galit ka ba?" At tumingin siya sakin. Hindi ko mabasa ang muka nya, seryoso at walang emosyon! Paktay ako neto! galit ata sia.

--Abangan nyo po ang next chapter! palagay nyo? Magagalit pa si Kamille kay Jake? (r)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Started with a joke (r)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon