(Lei nga pala sa media. Gwapo ano? haha)
-------------------------------------------------------------------------------
Humahagulgol parin ako pero this time hindi na ako nagsasalita kasi baka may makarinig pa sa akin.
Sobrang sakit. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ganon na lang at nakipag hiwalay sya. Sa araw pa mismo ng monthsary namin!
Hindi ko na alam ang gagawin ko... Hanggang ngayon kasi hindi ko parin tanggap na hiwalay na kami. I just can't believe that this is happening.. Masaya naman kami eh. Katunayan nga nagkausap pa kami kagabi, hindi kami nag-away.
Ano bang dahilan nya? Yun lang naman ang nais kong malaman eh. Yun lang...
Nag ring naman ang phone ko at nakita kong tumatawag si Aya. Si Aya ay isa sa mga kaibigan ko sa GP (Gay Pride). Bakit Gay Pride? Mga bakla daw kasi kami hahaha pero joke lang. May lalaki man kaming mga kaibigan, na sina Leo, Vince at Lei pero hindi sila Bakla. XD Kaya lang talaga Gay Pride dahil wala lang. Natripan lang. Lakas trip ano? Ganyan kami! GP yan eh! XD Pero sa kanila, si Aya at si Leo ang pinaka-close ko dahil sila ay kaibigan ko mula nung mga bata pa lang kami.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko. Kapag sinagot ko kasi, may possibility na tanungin nya kung bakit ako paos. Oo namaos ako kakaiyak isama pa ang sipon. Kilala na nya kasi ako kapag umiiyak kaya natatakot akong baka malaman nya ang samin ni Tabs.
Nakailang missed calls na sya pero hanggang ngayon hindi ko parin sinasagot. Napagpasyahan kong ayusin muna ang sarili ko. Pupunta akong kitchen para makainom ng tubig at mabawasan ang pagkapaos ko.
Sinigurado kong hindi nila makikitang namamaga ang mata ko kaya sinuot ko ang eyeglass ko. Normal akong naglakad pagpunta sa kitchen kaya nakahinga ako ng maayos. Nagdala ako ng isang pitsel na kay tubig pagbalik ko sa kwarto ko. Uminom ako ng maraming tubig at nagsalita ng konti. Paos parin. Ugh. Nakakainis naman. Pano na to?
Tinignan ko ulit yung phone ko. Hindi na sya nagriring at kinuha ko ito. May text, tadtad ng messages ni Aya. Sagutin ko daw ang tawag or she'll kill me. Loko talaga to.. Ang last na text nya ay tumawag daw ako as soon as na mabasa ko ang message nya. I sighed.
Tatawagan ko na lang siya. Sasabihin ko na lang na inuubo ako kaya paos tapos namamalat pa ang lalamunan ko dahil dito. Tama yun nga!
I dialed her number and waited for her to answer it. Agad naman nitong sinagot kaya naging alerto ako.
[JISEL! WHAT THE HELL. WHY ARE YOU NOT ANSWERING MY CALLS!] pasigaw nyang sabi sa kabilang linya na naging rason para mailayo ko sa tenga ang phone ko.
"Hey beb. Relax, ok? Ito na nga oh, tinawagan ka na." pa-cool kong sabi kahit medyo paos at kinakabahan ako. "Ano bang problema ng GP?"
[Pano ako magrerelax, naka-ilang missed calls kaya ako..] I can imagine that she rolled her eyes while saying it. Aya talaga.. [And we do really need you. Pupuntahan ka namin dyan.] What?!
".. No--" she cut me off.
[No buts, Ji. We are on our way.] I sighed lightly. [Don't worry, si Sul, ako at si Lei lang ang narito. Sina Leo at Vince ay may kailangang tapusin sa ALF.] May kailangang tapusin sa ALF?
"What? Eh diba wala namang event sa ALF ngayon?" i asked curiously. Nakapagtataka naman ata eh wala namang tao sa clubhouse kanina.
Hinihintay ko namang sumagot yung si Aya pero hindi siya nakasagot agad sa tanong ko. Tsk