Bye (Short Story)

72 2 0
                                    

 "Bye" by togerwolx 

"Tabs!"Excited kong pagsagot sa tawag. Tumawag kasi yung lalaking mahal na mahal ko. 

[Let's meet at the ALF Clubhouse.] walang atubiling sabi nya pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag nya.

Napangiti ako at tumango. "Sige! Ngayon na ba?" tanong kong ubod ng excited.

[Err.. Yeah.] Nagpout naman ako kasi pagkatapos nyang sabihin yun ay binaba na agad nya yung tawag. Sasagot pa sana ako at sasabihing, "Sige! By the way Tabs, Happy Monthsary!" 

I sighed. Di bale na nga, magkikita naman kami kaya personal ko na lang na sasabihin! Hindi ba't mas maganda yun? Omg. Excited na koo~~ Pano ba naman kasi, Monthsary namin ngayon. 4 Months pa lang naman kami pero matagal na kaming magkakilala.

Ikekwento ko ba ang Love Story namin? Wag na. Magbibihis pa ko eh tsaka nagmamadali na ako!

Dumiretso ako ng banyo para mag shower saglit at pagkatapos ay nagbihis na ko. Matapos kong ayusin ang aking sarili, ready to go na ko. Humarap akong muli sa salamin para tignan saglit ang aking itsura.

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa salamin. Pinagmasdan ko ng mabuti ang aking sarili magmula paa hanggang ulo. "Maayos na." Tumingin ako sa mukha ko ng buong buo. "Ang ganda mo talaga, Jisel!" natawa ako. Baliw ko talaga! Hahaha Umayos na ko at tinungo ang pinto ng bahay palabas.

Naglakad ako papuntang sakayan at sumasakay ng jeep. Habang nasa biyahe ay tinext ko si Tabs. 

To Tabs ♥:

         Tabs! On the way na ako! Nandyan ka na ba?

Pagkatapos ko namang itext si Tabs ay nag focus na ko sa daan ng biglang may mahagip ang mata ko. Pinihit ko ang string para makababa ng jeep. 

Pagkababa ko naman ay napangiti ako habang nasa tapat ng Ice Cream parlor. Pumasok na ko dahil excited na akong matikman muli ang Ice Cream nila. Natatandaan ko pa nung dati na dito kami kumain ni Tabs ng Ice Cream. Sobra kong nagustuhan iyon kaya naparami ako ng order. Tawa naman ng tawa sakin si Tabs kasi ang takaw ko daw sa Ice Cream. Eh ano bang magagawa nya? Ang sarap kaya ng Ice Cream! Lalo na yung Kasoy Flavor! Naka-isang order lang ako pero sobra ko yung nagustuhan, mahal nga lang kaya ganon. The best din ang Oreo Cheesecake nila kasi kumpara sa DQ, mas masarap ang version nila! 

Pumunta ako sa counter para i-order yung Ice Cream na gusto ko. Ngumiti sakin yung si ate na kahera at ngumiti din ako. Siya pala yung dating kahera din nung kasama kong kumain dito si Tabs. Mukhang naaalala pa ako ah.

"Oh, Ikaw ulit ah! Tagal ng huling pumunta kayo dito ng Boyfriend mo!" Tuwang tuwa nitong sabi. I giggled. Naalala pa nga nya ako!

"Ate, naalala mo pa pala ako, akala ko hindi na eh!" Ngumuso naman ako pagkasagot ko na sinundan ko na rin ng ngiti.

"Nako, Hindi ko kayo makakalimutan ng Boyfriend mo! Kayo ang may dahilan kung bakit lumago itong negosyo ng boss ko!" Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Ngumiti naman akong muli. "Talaga? Hindi naman namin inaasahan na magiging ganon ang kinalabasan ng gagawin ni Tabs." Nahihiya kong sagot.

"Sa katunayan nga, malaki ang naitulong nyo sa shop na to kasi nag increase din ng salary." Napangiti ako ng malapad.

"Aba! Maganda ho yan! Natutuwa naman po akong marinig yan!" Grabe. Hindi ko sukat akalain na dahil sa pagtulong ni Tabs sa Ice Cream parlor na ito ay lalago ang shop nila. Nirekomenda kasi ni Tabs ito sa tito nya na mahilig ang asawa sa Ice Cream. Nasarapan naman ito kaya sinabing bibigyan sila ng puhunan para magkaroon ito ng mga branches at ayun nga, lumago na ang shop nila.

Bye (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon