Ikauna

47 2 2
                                    

Amelia 

A short story by: 

Anya

No part of this story must be redistributed illegally this is a original work, any means of actions without the consent of the author is illegal. At hahuntingin ko kayo pag inangkin nyo to. >:) 

Nagsimula ang lahat noong Enero 15, 2006. 

"Time and date of birth, January 15, 2006 12:00 midnight. Congratulations, it is a girl." 

Sabi ng doctor. Di mawala ang ngiti sa mga labi ng mag-asawa ng isinilang ang kanilang pangalawang anak. 

"Mama, anung ipapangalan natin kay baby?" Tanung ni Anna sa kanyang nanay. 

"Ikaw mahal, may naiisip ka bang pangalan ng anak natin?" Tanung ni mister. 

"Meron. at sa pagkakataong ito, ay isusunod ko sya sa pangalan ni mama. Amelia ang pangalan nya."  

"Amelia, napakagandang pangalan." Dagdag ni mister. 

"Parang ang luma naman ata ng pangalan nya mama." Sabi ni anna 

"Anak, hindi mahalaga kung luma, bago, maganda o pangit ang pangalan ng isang tao. Ang mahalaga ay kung anu ang dahilan sa likod nito kung bakit ito ang pangalan mo." 

"Eh ano po ba ang ibig sabihin ng pangalan ko?" Dagdag ni anna 

"Isinunod namin ang pangalan mo sa iyong lola sa poder ni papa. Ang buong pangalan nya ay Anna Maria Estrella. Parehas kayo diba?"  

"Buti nalang hindi luma pakinggan :)"  

"Ganun? Sige ka, dadalawin ka ni lola." Panakot ng tatay nya.

"Teka pansinin naman natin si Amelia." Sabi ni anna 

"Ang ganda nya, kasing ganda ng asawa ko." Sabi ni mister. 

"Syempre kanino pa ba sya magmamana?"  

"Ma, magiging mabait akong ate sa kanya. Lagi kaming maglalaro at pag may nang away sa kanya eh ako ang magtatangol sa kanya."  

"Wow! Natutuwa naman ako sa sinabi mo anak, pramis mo kay mama at papa yan ah?" 

"Opo ma, pramis! :D" 

"Salamat po sa bagong anghel na binigay nyo sa buhay namin. Aalagaan ko po sya ng mabuti." Sambit ng kanilang nanay. 

"Sya magpahinga na kayo ni Amelia, kailangan nyo ng mahabang tulog." Sabi ng tatay nila. 

Maiituturing nga na isang biyaya ang pagdating ni Amelia sa kanilang buhay. Masayang masaya sila bagong miyembro ng kanilang pamilya. At higit sa lahat sa isang bagong yugto ng kanilang buhay. 

AmeliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon