Ikalawa

13 2 1
                                    

(Makalipas ang walong taon) 

"AMELIA!!! Letse ka talagang bata ka. Ano ba? Hihintayin mo pa ba akong umakyat dyan at sunduin ka ng pamalo?" 

"Saglit lang po mama, kakagising ko palang po. Maghihilamos lang po ako." 

"Bilisan mo at wag ka ng dumagdag sa intindihin ko." 

Naghilamos na si Amelia at agad na dumiretso sa kusina.  

"Good Morning Mama! Ambango ng almusal natin ah. :)" 

"Walang good, morning lang! At imbis na binobola moko dyan eh kumain kana at mahuhuli kana sa eskwela." 

"Nga pala, bago ka kumain eh gisingin mo na ang ate mo." Dagdag ng nanay nya 

"Opo :)" 

Umakyat na si amelia sa kwarto ng kanyang ate upang gisingin ito. At tulad ng dati, ay pahirapan pa rin ang paggising. Pero isa ito sa pinaka paboritong gawain ni amelia. 

"Ate gising na!" 

"Ate gising na!" 

"Ate gising na!" 

Nagising na si anna pero bumalik lang ito muli sa pagtulog. Kaya naman agad ng tumalon si amelia sa kanya at tinadtad ng kiliti sa kung saan-saan. 

"Ate, gumising kana! :D" habang tinutusok tusok ang tagiliran ni anna 

Nagalit si anna kaya naman itinulak nya palayo ai amelia. Napalakas ang tulak nya dito kaya naman nauntog sya sa pader. 

"Aray ko ate! :'(" habang gumigilid na ang mga luha nya sa mata. 

"Kasalanan mo yan, kaya wag mo na akong guguluhin ulit! At wag kang iiyak! Di ko tinurong maging mahina at iyakin ka." Sabi ni anna 

"Opo ate :(" habang tinitiis ang sakit at pinipigilan ang mga luhang malapit ng bumagsak. 

Bumaba na din agad si amelia pagkatapos ng nangyari. At pinipilit na ngumiti sa likod ng hapdi. 

"Bilisan nyo ng kumain at huli na kayo sa klase nyo."  

"Opo ma. Ma, tulungan na kitang maghugas ng pinggan." Sabi ni amelia. 

"Aba! Hindi mo ba ako narinig? Mahuhuli ka na sa klase mo. Naku namang bata ka, andami mong naiisip. Kaya ko na to!" Sagot ng nanay nila 

"Pasikat ka na naman! Kala mo kung sinong mabait." Sambit ni anna 

"Ma aalis na po ako. Pa kiss na po ;)" masayang sabi ni amelia 

"Hay naku bata ka, andami mong arte sa buhay! Sya, o dali na kiss na kay nanay."  

(Tsup) "Bye Ma! :D" at pumasok na sa eskwelahan si amelia. 

AmeliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon