The Last hugot

23 5 1
                                        

Minsan ba... Napansin mo ba yung effort ko? Minsan ba... Nakuha ko ang atensyon mo?Minsan ba... Naisip mo ring magkagusto sa akin? Kahit alam kong imposible. Minsan ba... Naisip mo yung nararamdaman ko habang nakikita kita na masaya sa piling ng iba?

Hindi lahat ng sagot diyan.

Kasi...Kahit na mageffort ako... Sa kanya ka pa rin nakatingin... Kahit na magpapansin ako... Nasa kanya pa rin ang atensyon mo... Kahit na magkagusto ka sa akin... Hinding hindi mangyayari yon kasi siya ang gusto mo at hindi ako... Kahit na makita mong nasasaktan ako... Hinding-hindi mo mararamdaman dahil masaya ka sa piling niya... Hinding-hindi mo malalaman dahil palaging bukang bibig ko ay... "ok lang ako"

Hindi ka man mapasaakin... Sana alagaan ka niya katulad ng pagaalaga ko sayo kahit na itinuturing mo lang pang kaibigan... Sana tumingin siya sayo na katulad ng pagtingin ko sayo mula sa malayo... At sana pahalagahan ka niya... NG HIGIT pa sa pagpapahalaga ko sayo...


This is yours truly author na mahilig sa pink... And this is my last hugot..

pinkginie signing out para pumunta sa korea at hanapin yung forever niya.

A/N:Hindi man siya napasayo at hindi ka man niya minahal... Don't lose hope... Siguro hindi lang talaga ngayon ang tamang panahon para may magmahal sayo... Siguro hindi din siya ang itinakda sa iyo....Sooner or later may magmamahal din sayo ng higit pa sa pagmamahal mo sa kanya... May magpapahalaga din sayo na tila isa kang diyamante na kailangang ingatan... Dadating din siya sa tamang panahon.

Muah muah chup chup! Love lots! Mah dear readers! 😍😍Last chapter na ito. Salamat sa pagbabasa ng mga kaekekan ko. Mahal ko kayo!

The Hugot Pick-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon