THPU SPECIAL ("TAYO")

32 6 1
                                    

Dedicated to all

    "TAYO"

  Halika kain tayo. Ay oo nga pala wala nga palang tayo. Tanging ikaw at ako lamang. Bakit nga ba walang tayo? Tayo? Napaka imposible. Sa bilyon bilyong tao sa mundo. Sayo tumibok itong puso ko. At ikaw ang tinatakbo ng isip ko. Sa tuwing nakikita at nakakausap kita aking kilig ay itinatago. Ginagawa ko lahat. Pinalasaya kita kahit magmukha man akong tanga sa mata ng iba masilayan lang ang iyong magagandang ngiti. Makipag-usap sayo marinig lang ang iyong boses na tila musika sa aking tainga. Bawat galaw mo ay katumbas ng bawat tibok ng puso ko. Napakatamis di ba? Pero kahit anong gawin ko, hindi ka pa rin mapapasaakin. Sa bawat sulyap ko sayo ay siya namang sulyap mo sa taong mahal mo. Bawat paglapit ko ay iyo namang paglayo mahabol lang ang taong mahal mo. Pero ano nga bang magagawa ko? Hindi kita pwedeng utusan na mahalin rin ako kaya uupo na lang ako at kakain ng tuyo habang nakatingin sa itinuturing mong "kayo" dahil alam kong imposibleng maging tayo.

The Hugot Pick-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon