Kaibigan Lang

182 6 2
                                    

Pilit kong itinatago mga lihim na pintig nitong puso,

Pilit kong pinanghahawakan pangako nating "magkaibigan hanggang wakas".

Pilit kong ibinabaon sa limot mga salitang gusto kong iparating sa'yo.

Ngunit bakit?

Bakit kapag kasama kita nalilimutan ko mga bilin ko sa sarili ko?

Bakit minamahal kita higit pa sa pangako natin?

Bakit?

Bakit hindi pwede?

Bakit sa tuwing kinakausap kita, nauutal ako? Para bang nakalimutan ko na kung paano bigkasin bawat letra na naituro ng titser ko.

Ganito ba kahirap mag panggap na kaibigan sa taong mahal mo?

Ang sakit pakinggan bawat kwento mo tungkol sa girl friend mo.

Masakit pakinggan na sinasabi mo sa kanya ang mga salitang gusto kong marinig mula sayo.

"Mahal Kita"

Iyan, iyan ang mga salitang tumatakbo sa isipan ko sa tuwing magkasama tayo.

Ngunit yang mga katagang yan ang bukang bibig mo para sa sinisinta mo.

Nadurog, dinudurog, nadudurog.
Masakit, sumasakit, sasakit.

Paulit-ulit, parang sirang plaka.

Pagod, napagod, napapagod.


M a s a k i t

D u r o g

P a g o d

Araw-araw kong nararamdaman ngunit ayaw pa ring humito.

Sana katulad ng isang panaginip pag gising ko sa umaga, mawawala na rin tong damdamin ko para sa'yo.

Sana katulad mo, wala akong nararamdaman para sa'yo.

Sana mahalin mo ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo.

Sana ako nalang minahal mo.

S a n a

Ngunit kahit anong hiling ko sa mga bituin, imposible.
Kahit gabi-gabihin ko pa ang pag hiling tuwing 11:11pm, imposible.

I m p o s i b l e

Grabe hindi ko kakayanin 'to.

Kaya't

Tandaan:

Mahirap mag panggap na kaibigan sa taong mahal mo.

Tangina nyong LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon