Ako'y nakadungaw sa bintanang na nasa giliran,palihim na sumusulyap sa'yo oh, aking sinta.
Bawat bolang napapasok mo sa net, mukha ko'y pulang pula.
Laging nakatulala, baba'y nakanganga
sa isip ko'y ikaw lang talaga.
Isang araw tayong nagkabanga sa may kanto malapit kina Aling Bebang,
Nahulog aking mga dalang aklat pati na ang aking bilog na salamin,
iniabot ng iyong makinis na kamay ang aking mga gamit,
subalit sabay niyon ay ang pag buka ng iyong bibig.
"Pangit, bruha, madumi atpb.."
Puso'y nadurog dahil akala ko'y iba ka,
akala ko'y ika'y isang prinsepe na nag hahanap ng isang prinsesa,
yun pala isang lalaking nakasuot ng makapal na maskara.
Ako'y nakaharap sa aking salamin,
tinatanong sa aking sarili,
"Ano ba ang mali sa akin?"
Hindi ko makita ang sagot,
Hindi ko alam kung saan kukunin ang sagot... dahilan...
...
"Mas mabuti pang mawala ka sa mundong 'to, bruha."
Mga katagang binitawan mo sa akin,
mga salitang pumatay sa akin,
mga salitang akala ko walang epekto sa akin,
subalit masakit pala pakinggan kung nangaling sa'yo, oh sinta.
"Mas mabuti nga siguro'y mawala ako sa mundong ito, tanga"
BINABASA MO ANG
Tangina nyong Lahat
PoetryPusong umasa, Pusong umaasa, Pusong aasa. Balibaliktarin mo pa ang tadhanag nakalaan, 'di mo mababago ang nakapropesiya na ikaw ay hanggang tingin na lamang.