Sulat

93 1 0
                                    

Isang papel na puno ng tinta,

isang sulat na pinagsisihan,

mga katagang nais maiparating,

ngunit naibigo akong sabihin.


"Mahal Kita."


Hindi ito isang kwento na puno ng pantasya,

isa itong kwento ng puso kong na dismaya.


Nasilayan ko ang iyong maamong mukha ng tayo ay bata pa,

ikay'y tumatakbo at biglang nadapa,

nanginginig mga kamay't tinatanong ang sarili kung iaabot ko ba,

biglang gumalaw ang aking mga braso,

iniabot ang aking kamay sabay sabi, "Mag ingat ka."


Naaalala mo ba pa ang paborito nating meryenda na pineapple bread nina Aling Nena?

Palagi natin yung binibili bago umuwi ng bahay.

Sa bahay kung saan tayo nag lalaro.

Naglalaro kung saan ngiti't tawa mo'y nasisilayan.


Doon unang bumulong ang puso ko na, "Mahal mo sya."


Pinilit kong itago dahil tayo'y bata pa,

pinilit kong kalimutan kasi tayo'y bata pa.


Umabot sa sukdulan kung saan sasabihin ko na.

Puso'y kumakabog, hindi makahinga, mga kamay'y nangingig, bakit nga ba?


Ilang taon na ang nag daan lalo kang naging kaakit-akit sa aking mga mata.

Buhok mo'y makintab, labi mo'y mapula, mukha mong hindi maikukumpara sa iba...



Ngunit itinanong ko sa aking sarili,


"Bakit ka nakahiga?"


Mga mata'y lumuluha habang ika'y pinagmamasdan,

mga ngiti moy sa larawan nalang makikita,

mga haplos mong sa alaala nalang mararamdaman,


Bakit kung kailan sasabihin ko na, atsaka ka pa nawala?

Bakit kung kailan handa na ako, ayaw mo na akong pakinggan?


Puso'y nagsusumamo,

Puso'y nabigo.

Sinisisi ko bakit pinatagal ko pa?

Bakit itinago ko pa?


Humahagolgol ang kaluluwa't puso ko,

Sana kung nasaan ka man ngayon, mabasa mo sana ang liham kong ito.

Tangina nyong LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon