Author's Note: ♥
Sana magustohan niyo 'tong kwentong 'to. Actually first time kong gumawa kaya sana magustohan niyo. Kahit alam kong pangit. Haha. Basta salamat. ^_____________^
* Comment / Violent reaction / Vote / Others: ACCEPTED. :D
I'm Luigie Gonzales. 4th year I.T. student.
February 14 na, ibig sabihin VALENTINES na. Excited na kinakakbahan ako sa gagawin kong pagkanta para kay Celine.
Sino si Celine?
Si Celine ay crush ko simula pa nung 1st year college ako. She's kind, cheerful, pretty and smart. Kaya nga ang daming may gusto sa kanya eh. Eh ako?
Cool daw, gwapo daw, mabait daw at matalino daw. Wala eh. Sa tingin ko kasi simple lang ako. Kaya nga kahit crush na crush ko siya eh, hanggang tingin-tingin pa rin ako sa kanya. Pero ngayon sisiguraduhin kong mapapansin na niya ako.
* FLASH BACK *
"Pre, di ba magaling kang kumanta at mag-gitara?" Sabi ng best friend kong si Johan.
"Pre, hindi naman marunong lang ako." Sabi ko naman.
"Ay sus. Pahumble pa siya oh." - Johan
Ang kulit talaga ni Johan kahit kelan ohh. Mapapraning na nga ako kakaisip ng gagawin kong surprise dadagdag pa. Tsk.
"Hindi nga! Teka bakit mo ba tinatanong?" Sabi ko na lang.
"Kasi ganito yan. May na basa ako sa bulletin board natin diyan sa hallway. May booth daw na gagawin ang mga HRM students sa valentines. Iseset-up daw nila yung stage. Puede daw dun kumanta tapos bi-videohan daw nila tapos papakita sa mga monitor dito sa campus. Baka gusto mong kantahan si Celine your dream girl." - Johan.
"Oo nga no? Kaso nakakahiya eh." Totoo naman eh sobrang nakakahiya. >.<"
"Hiya-hiya! 4th year college na tayo, tapos di ka pa gagawa ng move?! Ano ka ba naman?! Paano ka aasenso niyan?" - Johan.
Sabagay. Tama naman talaga si Johan dun eh. Saka eh ano kung mapahiya ako? Atleast na sabi ko kay Celine ang nararamdaman ko!
"Tama ka, Pre. Sige kakantahan ko siya. Ano kaya puedeng kantahin?" - Ako.
"Ngiti By: Ronnie Liang na lang Pre." - Johan.
"Oo nga no? Sige pag-aaralan ko na chords niyan." - Ako. Galing talaga ni Johan. Bilib na ako.
* END OF FLASH BACK *
"NEXT!"
*Dugdug dugdug* [A/N: Heartbeat yan. Kabado si Luigie eh.]
Ako na pala. Whoa!~ Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero kaya ko 'to!
"Uh. I'm Luigie Gonzales of I.T.4. Ang kakantahin ko po ay Ngiti by: Ronnie Liang. This song is for Celine Fernandez of HRM4. Sana magustohan mo. Saka gusto kong malaman mo na tinake ko 'tong opportunity na 'to para sabihing crush na crush kita simula pa lang nung first year." ...
BINABASA MO ANG
Valentine Confession (One Shot Story)
NouvellesWhat if ang crush mo may crush din pala sayo. Ano kaya mangyayari? Papakipot ka pa ba o hindi? Basahin mo 'to. Enjoy! :D