Simula kolehiyo, gustong gusto ko na sya, sa katunayan sobra ang paghanga ko sa kanya, Hanggang sa naging mag kaibigan kami, masaya akong kasama sya, pero wala akong ibang inisip noon kundi, hangang dito lang ako, wala akong karapatan na mahalin sya kasi ang alam ko sa sarili ko na wala akong binatbat sa mga nakaraang minahal nya, sino nga ba ako? minsan kung iisipin mo, mapapangisi ka nalnag sa mga bagay na imposibleng mangyari sayo, pero kinalaunana, bakit nga pa nag bago ang ihip ng hangin? kailangan pa nag simula ang nararamdaman ko sa kanya? Siguro eto yung araw na nagpakita sya ng malasakit sakin, na hindi ko naman hinihingi pero aminado ako na kailangan ko, siguro eto yung araw na nagparamdam sya sakin ng katiting na pagmamahal na hindi ko naman nililimos ngunit alam kong sobrang uhaw ako. hanggang sa dumating na yung araw na kinakatukan ko, yung yung araw na sobrang mahal na kita at sinabi mo din na mahal mo ako, pero bakit nga ba ako takot? kasi alam ko siguro na may hangganan to?