Kaso isang araw, biglang dumilim ang lahat, wala akong marinig, hindi ako makagalaw, mistulan akong dilat na patay, matapos mong sabihin ang mga salitang pumunit ng puso ko at namwasak ng damdamin ko, matapos lumabas ang mga letrang bumububo ng mga pantig na nag sasabing, hindi mo na ako mahal, ika'y sawa na sa aking tabi, na ayaw mo na at mayroon ka ng iba. Ano nga ba ang nagawa kong mali? paulit ulit kong sinasambit sa sarili ko to, pilit akong humihingi ng tawad sayo mahal ko, ngunit hindi yata ito ang gusto mong maranig sa akin, Oo alam ko na ang gusto mong sambitin ko ang mga salitang "Oo pinapalaya na kita, Hindi na kita guguluhin kahit Kelan" Pero paano ko sasabihin ito? kung ang mga salitang to ang papatay sakin?