Bakit nga ba tayo humantong sa ganito mahal ko? bakit mo ba ako iniwan? bakit nga ba ayaw mo na sakin? bakit ba hindi mo na ako magawang mahilin uli? Bakit nga ba?
Kung iiwan ka mahal ko ng bago mo, tanga na kung tanaga pero nandito ako naghihintay sayo, handa parin akong yakapin ka, handa akong kalimutan lahat ng sakit na binigay mo sa akin, pero mistulang wala kang naririnig kahit isigaw ko pa ang pangalan mo ng paulit ulit,
Wala akong ibang hiniling sa tuwing ako'y makakkita ng bulalakaw, kundi bumalik ka na sakin, Pero lahat ng ito ay tila hangang hiling na lamang, tuluyan mo na akong iniwang mag isa sa gitna ng mga malalamig na pader kung saan dito natin sinimulan at pinundar ang ating pangarap na akala nati'y, akala ko'y mabubuo ng pagsisikap at pagmamahalan natin, na gawa lamang pala ng ating mapaglarong imahinasyon noong mahal mo pa ako, at ngayon ako na lang ang nag dudusa sa mga kathang isip na ito na iniwan mo sa akin kasama ng sakit na ibinalot mo sa aking puso