Kirsten's POV"Ilang hours pa kuya Ivan bago tayo makadating?" Tanong ko kay Kuya Ivan dahil papunta na kami ngayon sa AGSHS ACADEMY. Malayo layo kase ang school na yon sa bahay namen. At ang school na yon ay may sariling dorm sa loob ng school kaya halos sa mga studyante na nag aaral doon ay naka dorm. At syempre dahil malayo ang bahay namin sa school, ay mag dodorm din ako!! For sure mag dodorm ako nuh, 5 hours ang biyahe eh.
"Tsk baby Kers naman eh, pang ilang beses mo na tinatanong yan saken, wag kang mag alala, malapit na tayo, excited kase masyado eh." Iritang sabi ni Kuya Ivan.
"Nag tatanong lang naman eh."
Hmmmmm maka tulog nga muna
"Oi, oi gising na. We're here." Nagising ako bigla dahil pinipisil ni Kuya Ivan ang aking pisnge. Nang buksan ko ang aking mga mata ay pakiramdam ko ay nasa heaven ako. Nanginginig ang aking buong katawan at hindi ako mapakali.
"A-agshs a-academy kuyaaaa?" Nauutal kong sabi habang nakatitig ako sa window ng kotse dahil natatanaw kona ang maraming babae na studyante na naka suot ng cute na uniform at ang napaka gandang AGSHS ACADEMY. Siguro kaya may pasok tong mga to ay may summer classes or dito na nag babakasyon.
Dug dug dug dug
Andito na nga ako.
Makikita kona din siya sa wakas.
"Oi ano na, papasok ba tayo o hinde?" Iritang sabi ni kuya Ivan.
"Tsk, kuya naman eh, syempre minomoment ko pa ang pag dating ko dito. Wait lang kailangan ma picturan ko to."
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at pinicturan ito. Nakipag selfie din ako kay kuya. Pagkatapos kong mag picture sa school ay pumasok na kami ni kuya sa loob mismo ng school para mag entrance exam ako.
"Nako ija, ikaw pala ang top 1 ng school niyo. At ang school na pinapasukan mo ay ang pinakamaganda at pinakasikat na skwelahan sa buong pilipinas, bakit napili mong mag transfer dito?" Tanong ng principal sa school.
"Well, gusto ko po talagang subukan dito at madami din naman po ang nag sasabi na maganda dito." Sagot ko.
"Well, sa resulta palang ng card mo at NCAE result at ikaw ang top 1 sa school niyo ay hindi mona kailangan mag entrance exam ija, you're welcome here. At syempre kilala din ang iyong pamilya. Kaya pwedeng pwede kang mag enroll dito at ibibigay namin ang pinaka magandang dorm para sayo." Sabi ng principal.
Wow VIP agad ako. Ahihihihi. Teka dorm? Ang balak ko sana ay makasama si Ash sa dorm. Sabi kasi nila ay ang bawat dorm dito ay may dalawang tao bawat kwarto pero meron din daw yung mag isa lang sa isang kwarto. OMG paano kung, si Ash ang makasama ko?! Kyaaaaaaaahhhhhh- aha! Alam kona pipiliin ko nalang na kwarto ay yung may makakasama!! Ang talino ko talaga!
"Uhm miss Hudson?"
"Ahm ha eh? Hmm pwede bang yung pang dalawang tao na dorm?"
"Are you sure?"
"Yes!"
So ayun nanga, nag enroll nako, bumili ng books, nag rent ng dorm for one year, bumili ng uniform at in 2 weeks ay mag sisimula na ang pasok, kaya ni ready kona lahat ng damit ko pagka uwi na pagka uwi ko. Ahihihih ganun ako ka excited.
2 weeks later
Grabe, eto na!! Eto na talaga ang pinaka hihintay ko na araw! Well nasa bahay pako dahil feeling ko ay ayaw akong paalisin ng mga kuya ko at si daddy at syempre si beshty Kate din. Nandito ako ngayon sa main door ng bahay namen. Si Kuya Ivan padin ang mag hahatid saken doon.
YOU ARE READING
Chasing The Band Leader (gxg)
Historical FictionIs it wrong if I chase her? Is it wrong if I choose to love her? But all I know is I want her to be mine.