Sash's ( Ash ) POV
"Ang cute nung girl kanina." Sabi ni Riley habang nililinis niya ang kanyang bass guitar.
Nandito kami sa tambayan namen sa campus, sa music room."Who? Ung pinag tripan ni Ash kanina?" Tanong ni Scarlett habang siya naman ay nag susulat ng kanta.
"Yeah." Sagot naman ni Riley.
Ughhh puro babae nanaman pinag uusapan ng dalawang to. Bored na bored ako ngayon. Haish.
Inaamin ko na isa akong bisexual pero hindi naman ako talaga adik sa mga babae. At isa pa, hindi ako nag dadamit lalake at nag papagupit na parang lalake dahil sikat ang banda namen since grade 7 at ayokong masira ang pangalan namen at ayokong ma bash kame ng mga tao.
Pero madami naman may alam na bisexual kame pero meron sa grupo namen ang hindi lesb o bisexual, si Skylar. Siya ang pinaka babae samen at may boyfriend siya.
Well nag aaral kame sa all girls school at syempre expect mona na madaming bisexual sa school na ito. And me? Nagkaroon nako ng mga ex na babae but nakikipag break din ako dahil mabilis akong mabored.
Hay nako sa sobrang bored ko ay kinakausap ko nanaman ang aking sarili, nag kwekwento nalang ako ng mga kung ano ano sa isipan ko.
"Guys, na bobored ako, can we do something fun today? Tutal mag sisimula na ang klase bukas." Sabi ko sa kanila.
"Wag na, chill nalang tayo dito, kwentuhan tayo kung paano tayo nag simula, grabe ang bilis ng araw, alam niyo ba yung feeling na last year na natin sa school na to, GRADE 12 na tayo. Hindi ba kayo nalulungkot na soon ay magiging memories nalang lahat ito?" Pag dra drama ni Skylar habang nakahiga sa floor.
"Sky, kahit na mag graduate na tayo sa school na ito, hinding hindi padin tayo magkakahiwa hiwalay dahil kahit sa college ay pwede padin tayong magkasama, diba iisang college lang pupuntahan naten? At sa college ay mas malaking event pa tayong masasalihan at mas lalong sisikat ang banda naten. At mas may magagandang memories pa ang nag hihintay sa atin. Tayo ata ang Wild Angels!" Pag dra drama din ni Madison sabay hinagis niya sa taas ang drum sticks niya at sinalo ito.
"Guys ang dra drama niyo talaga." Sabi ko sa kanila sabay tumingin silang apat saken na parang naiinis.
"Hindi mo naman ata mahal ang banda naten at kame eh." Malungkot na sabi ni Skylar.
"Sus, kayo naman, syempre mahal ko kayo, parang kapatid na turing ko sainyo eh, its just that, wag na tayong masyadong ma drama dahil kahit kailan hindi naman tayo maghihiwalay so anong dinadrama niyo." Sabi ko sa kanila at napangiti naman sila.
"Tama si Ash guys, tara bumalik na tayo sa mga dorm naten. May gagawin pako ehh." Sabi ni Ri. ( Riley ).
"Mauna na kayo. Papasama mona ko kay Scar ( Scarlett ) sa 7/11." Sabi ko.
"Sige sige, nag hihintay natin girlfriend ko eh." Sabi ni Mads ( Madison ).
Lumabas na kaming lahat sa music room at kami naman ni Scarlett ay naglakad papunta sa 7/11 sa labas ng AGSHS Academy. Kapitbahay kase ng school namen ang 7/11 at starbucks at Mcdo at JollibeeKaya hindi kana magugutom dito.
Karamihan sa mga estudyante ay pinag kakaguluhan kami. Kaya kailangan namin naka cap at mask.
Si Scarlett ang pinaka bestfriend ko sa aming lima. Kaming dalawa ang nag simula ng Wild Angels. Kaming dalawa ang nag plano na mag banda. At madami pang rason kung bakit si Scarlett ang pinaka bestfriend ko sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/108701999-288-k881699.jpg)
YOU ARE READING
Chasing The Band Leader (gxg)
Fiksi SejarahIs it wrong if I chase her? Is it wrong if I choose to love her? But all I know is I want her to be mine.