|5| << It's a Date

43 1 1
                                    

Quentin's POV

I'm Quentin, some call me loser or fool or whimp at kung ano-ano pang mga pang-bubully nila sa'kin. Ganito kasi yun nerd ako, at mahilig sa libro, yun lang naman pero big deal na na sakanila yun. Mga tao nga naman, actually hindi naman ako nerd, nerd let's just say matalino ako yun lang. Hindi rin ako masama mabuti naman ako.

Hinding, hindi ko malilimutan ang nangyare kahapon, haay.

Kinausap ako ni Maxine, not just any Maxine, but Maxine Monica Alcantara.

Tinawagan ko din siya kagabi upang masigurado na totoo ang mga sinabi niya sa'kin na gusto niya akong maging boyfriend niya. Oh diba ang swerte ko kaso alam ko na sa una pa lang na hindi naman ito kagustuhan niya sadyang napilitan lang.

"Ehem! Nerd na panget." Pangugulit naman ni Bryan, ano bang problema netong taong toh? Hindi ako matantanan.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko sakanya habang ginugulo ko buhok ko.

"Aba, sumasagot ka na ngayon ah." Bingi ba siya? o sadyang tanga.

"Hindi naman siguro noh, yung kamay ko yung kausap mo hindi naman bibig ko." pagiging sarcastiko ko.

"Hoy panget! huwag ka ngang sumagot sagot diyan akala mo kung sino ka maka-sungit eh di ka naman gwapo, haha ang baduy mo nga!" parati niya yang sinasabi sa'kin na para bang tanga ako na di ko maipasok sa utak ko, eh siya nga etong tunay na tanga diyan.

"Ingay." I said with a cold serious voice, porket ganito ako hindi na dapat ako ninyo inaasar kung ayaw niyo nang realtalk! Mga letche.

Hay salamat sa wakas, dumating narin si ma'am Fiablo kung nagtataka kayo sa apilyido niya well tama kayo, si ma'am Fiablo ay nanay ni Ayeen. Ang tawag nila ay Rica pero ako ay Ayeen parin simula bata palang kami. Kababata ko siya dahil malapit ang nanay ko sa nanay niya syempre magkapatid sila. Kaya mag pinsan kami, walang nakaka-alam nun, maliban sa aming pamilya and we like to keep it that way.

"Okay, pass your homework." sabi ni Tita este Ma'am Fiablo. Hala tapos na pala ang klase himdi ko man lang namalayan kanina pa pala wala ang isip ko sa lessons. Kaiba rin.

"Quentin, usap tayo mamaya sa detention room." Ha? eh anong nagawa ko? patay ako neto kay Mama siguro napansin ni tita na hindi ako nakikinig. Tss, pag minamalas nga naman oh!

"Bakit po?" Sinamaan niya ako ng tingin, naku! patay kang bata ka. Hindi niya ako sinagot umalis lang siya bigla.

"Lagot ka niyan Q, haha patay ka ngayon haha." Problema naman netong abnormal nato? Maka-alis na nga.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria may napansin akong kakiba sa mga tingin ng mga kaklase ko, nakatingin sila sa'kin nag chi-chismisan ako. Kakaiba talaga, ano bang nangyayare?

Pagdating ko sa cafeteria, di ako makapaniwala sa nakita ko.

Belle's POV

Yes, excited na ako sa surprise namin kay Quen! Yieee, FYI plano ko toh as usual sumang-ayon si Max, pero wala naman siya magagawa eh ako kaya rest-back queen sa kanila. Anyways, plano naming gumawa ng surprise banner na may nakalagay na 'Can I Be Yours?' si Ayah gumawa ng message kasi mahina ako sa mga ganyang genre ni Ayah eh siya kasi nerd samin eh putcha ang talino nila pareho ni Max. Haha

Dating Maxine Monice Where stories live. Discover now