BESTFRIENDS
"Bestfriends lang kami."
Sa tuwing inaasar kami ng barkada o ng mga tao, yan lagi ang sinasabi niya.
Dinadaan ko nalang sa ngiti.
Pero ang totoo, nasasaktan ako.
Oo.
Nasasaktan ako.
Inlove kasi ako eh.
Inlove ako sa bestfriend ko.
Ako nga pala si Louise.
Matangkad. Slim. Model type.
Mabait. Simple. Mestiza.
May bestfriend ako.
Si Justin.
Mula pagkabata magkakilala na kami.
Mag bestfriend kasi ang nanay namin eh.
Kaya ayun naging mag bestfriend din kami.
Kaya ayun nadevelop ako sakanya.
Marami na siya naging girlfriend pero hindi niya sineryoso lahat.
Hanggang sa may nakilala siya.
Si Dara.
Naging sila ni Dara.
"Eto na yung babaeng mamahalin ko."
Yan yung sinabi sa'kin ni Justin nung nag 1st monthsary sila.
Sa lahat ng celebration nila ng relationship nila, nandun ako.
Hiling kasi ni Justin tulungan ko siya eh.
1st anniversary.....2nd anniversary....... Lahat yan present ako.
Pwede na nga akong tawaging epal eh.
Pero wala akong pakialam.
Hiling ni Justin eh.
Hiling nung taong mahal ko.
Nagdaan ang ilang celebrations nang nandun ako hanggang sa nag 5th anniversary sila.
Balak na magpropose ni Justin kay Dara.
Sobrang nasaktan ako nung sinabi niya sa'kin yun.
Tinulungan ko siya mag set up sa isang romantic place.
Dumating si Dara.
Nag exchange sila ng gifts.
Nag kainan.
Hanggang sa dumating yung oras na magp-propose na si Justin.
Kaso biglang nagsalita si Dara.
"I'm sorry Justin but we're over. Hindi kita mahal. Pinaglalaruan lang kita simula't simula pa lang. Masyado kang nabulag ng pag ibig mo sa'kin."
Umalis si Dara.
Umalis siya ng hindi man lang hinihintay kung magsasalita ba si Justin.
Siguro kung nasaktan ako nung nalaman ko na magp-propose siya kay Dara eh mas nasaktan siya ngayon.
Nilapitan ko siya.
"Eto siguro ang parusa ni Lord sa'kin. Ang maranasan lahat ng sakit na ipinadanas ko sa mga babaeng niloko ko. Ganito pala yun kasakit."
Niyakap ko siya.
Niyakap niya ako.
"Sana pala ikaw nalang Louise. Sana pala tayo nalang."
Oo nga Justin.
Sana tayo nalang.
Bigla siyang kumalas sa yakap at tumakbo.
Hinabol ko siya.
Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa napatigil siya sa gitna ng kalsada.
Tumingin siya sa mga mata ko.
"Louise. Nagbulag-bulagan ako. Akala ko kasi mali. Akala ko sa paraang magmahal ng iba, malilimutan ko 'tong nararamdaman ko. Pero ako pala ang mali. Tama pala yun. Louise. Ma---"
"JUSTIN!!"
------------
Ako nga pala si Justin.
Matangkad. Tama lang ang katawan.
Babaero. Playboy.
May bestfriend ako.
Si Louise.
Tanga ako.
Mas tanga pa sa tanga.
Paano ba naman.
Hawak ko na nga, hinayaan ko pang mawala.
5th anniversary namin ni Dara.
Ang araw na nawala ang tunay kong mahal.
Ang tunay na nagmamahal sa'kin.
Namatay siya habang hawak hawak ko siya.
Dapat ako yun eh.
Kaso niligtas niya ako.
Bulag ako.
Nagbulag-bulagan.
Nasa harapan ko na pala, di ko man lang pinansin.
Akala ko sa pamamagitan ng pagmamahal ng ibang tao, makakalimutan ko ang nararamdaman ko.
Oo.
Tama ka.
Mahal ko siya.
Mahal ko ang bestfriend ko.
Mahal ko si Louise.
Kaso, wala na siya. Iniwan na niya ako.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Novela JuvenilOne shot stories -- Short stories yet beautiful and inspiring. :)