Prologue
Hinagis ko ang flower vase na nakapatong sa lamesa. "No Kiel, wala nang point kung ipagpapatuloy pa natin to. I want out, out of this bullshit. Pagod na pagod na ako." Patuloy sa pagtulo ang luha na litanya ko.
"You want out of this? Fine!" Pagsuko niya sabay hagis ng hawak niyang kawali. "Ikaw aalis? Ay mali ako pala ang dapat umalis, ayaw ko sa bahay na ito dahil maalala ko lang lahat." Nanginginig ang pangang patuloy niya.
I guess its for the better, wala naman kasing patutunguhan pa kung ipipilit pa namin. Siguro nga, hindi talaga kami, walang forever, walang perpektong relasyon. Siguro nagclick kami nung una at umabot pa ng ilang taon pero hindi e. Sa huli hindi rin maganda ang kinalabasan ng katigasan ng ulo namin. Nagsisisi ako, pero may ilang bagay akong hndi pagsisihan sa naging pagsasama namin because that is my treasure, my lifeline.
Sinundan ko siya nang tingin habang papasok siya sa kwarto namin. Narinig ko agad ang marahas na pagbukas sa kabinet namin at ang matalas na pagkaskas ng mga hanger sa sabitan marahil sa paghiklat niya dito.
"Putang buhay to! Kung ayaw mo na, ayaw ko na rin." Narinig ko pang mura at reklamo niya. Hindi na ako pumatol at pilit na kinalma ang sarili ko. Umupo na lang ako at pinikit ang mga mata ko. Sa pagmulat ko naman ay nahagip agad ng mga mata ko ang mga litrato namin. I loved him yes, truly, hindi naman kami aabot ng ganito katagal kung hndi kami nagmahalan.
Siguro hindi lang talaga kami nakatadhana hanggang sa huli. Well I guess everything always needs to come to an end, kahit gaano pa man ito naging kaperpekto ay mabubutas at mabubutas din ito at ang ending ay ang siyang katapusan.
BINABASA MO ANG
Another Try
Ficción GeneralIs there a chance for another try? Will all turn out well, if she risk and try to work it out with him again? She is afraid to take the risk but thinking of some factors, she has no choice but to try it for her lifeline. If they need him in their li...