Humble Beginnings

8 0 0
                                    


"Mahilig akong gumawa ng story. Ako na ang gagawa ng script natin. Pero dahil group project ito samahan niyo rin pala akong gumawa :) "

"Bukas, 2 pm." sabi ni Merlina.

"Sinong may computer sa bahay?" dagdag pa niya.

"Sa computer shop na lang. Ambagan na lang sa lahat ng magagastos."

Hindi ko pwedeng ikwento kay Mama baka magkagulo lang. Last time na umuwi ako ng bahay nang umiiyak sinugod niya yung teacher ko. Mas lalo lang nila akong aasarin.

Lagi na lang akong umiiyak. Napaka-sensitive ko. Hindi ko magawang ipaglaban ang sarili ko. Isa akong mahinang nilalang. Pero alam niyo nagawa ko pa ring ituloy ang pagpasok sa eskwelahan. Dahil mayroon akong nagiisang karamay ng panahong iyon.

" Pano ba naman kasi. Inuuna pa ang paglalaro ng online games kaysa gawin yung project."

"Umiiyak nanaman yang katabi mo. Ano ba yan?"

"Kung matagal na tayong humiwalay ng grupo matagal na din tayong tapos."

Mga bulungang nakakarindi sa lakas dahil halata namang nagpaparinig. Nagtataasan ang kanilang mga kilay. Ngunit ito ako, nakayuko, pinipigilang lumuha sa takot na maparinggan nanaman. Mamayang gabi na lang ako iiyak. Kakausapin ko si Lord siya lang ang makakapagcomfort sakin, Nakakatulog akong umiiyak ng may takip na unan sa aking mukha. Hindi pwedeng malaman nila mama naumiiyak ako. Pagkatapos kong umiyak, makakatulog na ko. Parang its God's way of comforting me para di na ko masaktan. Feeling ko mayroong lullaby na makakapagpatulog sakin.

Pero syempre, I have to tell my family pa din. Nasabi ko pa din sa kanila bago mag-end yung klase at syempre nakipagayos din ako sa classmates ko. Para mas maging maayos lahat lumipat kami ng bahay. Sa malayong lugar.

Dun ko nakita yung mga kaya ko palang gawin. Nakatanggap ako ng mga awards na bunga ng kasipagan sa pagaaral at nakakasali rin ako sa mga paligsahan kung saan nadiskubre ko ang aking talento.

Dito rin sa lugar na ito, lubusan kong nakilala ang Panginoon. Naramdaman ko ang presensya Niya ng isang araw nang ako'y nagsimba. Ang luhang dating tumutulo dahil sa pananakit ay napalitan ng luha para sa pagpupuri at paghingi ng tawad sa Kaniya. Naranasan ko ding maglingkod sa Kanya sa pamamagitan ng aking talento upang magamit sa mga gawain Niya, pagsama upang ibahagi at makinig na rin ng kanyang salita.

Isang tanghali, inutusan akong bumili ng tinapay. Tinawag ako ng isang lalaki at inalok na sumali sa isang beauty pageant. Dahil sa takot at pagaakalang nagbibiro lang ang lalaking iyon, mali yung sinabi kong address :D haha Pero di naman ganung kalayo sa bahay namin.

Kaya nahanap pa din nila :3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WORDS BURIED DEEP- The Test of TimeWhere stories live. Discover now