[Red Ugene Mojares]'Hoy, Kuya Mura!' Natigil ako sa panunutok dito sa bulilit na mandurugas at lumingon. Tangina?! Siya yung tomboy sa 7/11 noong nakaraang Sabado! Tumakbo siya papalapit sa amin. 'Hindi nandaya si Dwight! Magaling talaga siya!' Sigaw niya habang dinuduro-duro pa ako kaya napaatras ako. Naks! Si Dwende may amazonang tomboy for bodyguard! Napangisi ako na halatang ikinainis pa lalo ni tomboy kaya akmang susuntukin ako buti na lang pinigilan siya ng kaibigan niya. Ang pangit ng buhok, parang di nagsusuklay. Tumalikod na ako at naglakad na palayo. I don't go as low as hitting a woman. (Naks, napa-English ako!)
'Oy, pre, tagal sa banyo ah. Daig mo pa babae! Kung iiyak ka, eto oh, free na free ang balikat ko.' pangaasar ng kaibigan kong si Keios at tinapik-tapik pa ang balikat niya. Gunggong talaga!
'Okay lang yan, tol, kahit talo ka, gwapo pa rin ako!' sabi ni Doum (doom ang basa, Dom tawag namin), habang taas-babang pinaglaruan ang kilay niya.
'Ano konek? Gago!' Wag niyo nga palang itanong kung bakit ganyan pangalan ng mga balasubas kong kaibigan, akin nga kulay ehh.
'Kuyang nagwo-walk out!'
'Puta.' bulong ko. Ilan pa bang pangalan ang itatawag sa akin ng bruhang to?! Talagang hindi ako titigilan! Sinimulan ko ng maglakad ulit paalis. Naiinis pa rin ako dun sa dwendeng kalaban ko kanina pero wala na ako sa mood. Ginawa ba namang shield ang babae, este tomboy.
'Tol! May fans ka na--' Sinikmura ko nga, mangaasar pa ehh.
'Hoy!' Sigaw ulit ni tomboy. Nagulat na lang kami ng biglang tumalon sa pagitan namin si Claude (siya pinakamatinong pangalan sa amin, kaso cloud ang basa so wala rin.)
'Hii! WE've met once! Never thought we'll be meeting here. ⌒(o^▽^o)ノ' Inilingan lang siya ni tomboy at pumunta sa likod nung kaibigan niyang mataba. Si Claude lang pala katapat. Lumapit naman yung kaibigan na pinagtaguan ni tomboy. At sinapak niya si Claude!
'Woy! Bakit mo ginawa yun?!' Na-alarmang sigaw ni Keios. Si Claude naman hawak niya lang yung pisngi niya.
'Kasi naiinis ako sa kaibigan nyo' sabay turo sa akin. 'at pinayagan naman ako ni La eh.' At tumawa, este humalakhak siya ng parang baliw. O baliw talaga siya. Napaatras kami sa tawa niya. Lahat ata ng kaibigan ni tomboy may sapak ehh. La pala pangalan niya. Ang pangit, sino nagpapangalan sa anak nila ng La? 'Gusto niyo pa ba? Kahit isa sa inyo?'
'Tama na. Sisitahin na talaga tayo niyan. Andami ng nakatingin sa atin.' sabi nung kaibigan nilang naka-pusod at mukhang matino. Sumunod naman sila. Tiningnan naman kami ng isa pa niyang kaibigan na pangit ang buhok, pinanliitan ng mata. 'Tama na, napatay ko na yan ng twenty times sa utak ko, okay na yon.' Ok, binabawi ko na, di rin pala matino itong naka-pusod.
'Tara na, may mga bagay talagang dapat pakawalan lalo na kung may nasaktan na.' Hugot ni gagong Claude. Inakbayan niya na kami at hinila paalis.
Nang makalabas na kami, nagyaya ako kumain. 'Kain tayo, tara!' Tumingin lang sila sa akin at natigil sa paglalakad. Nginitian ako ni Claude at umiling siya.
'Iuwi mo na lang yan, ha?' The fuck? Dahil ba ito sa nangyari sa kanina? Nagpatuloy na silang maglakad at nakasakay na sa kotse. 'Tara na.'
Nanahimik muna ako, para naman makalimutan na nila yung nangyari kanina bago magyaya ulit. 'Kain muna tayo, bago uwe. Sige na.'
'Uhh. Nagmamadali rin kasi ako eh. Next time na lang, may lakad kasi ako.'
'May ginawa ba akong masama? Dahil ba to dun sa nangyari kanina?'
'Ganyan naman tayo, hindi man lang natin alam may na gagawa--'
'SHUT UP!!' 'E KA MANAIMIK!' Tinignan ni Claude kaming tatlo nila Doum na parang pinagtaksilan namin siya.
'Sabi ko nga, pagkatapos ng sandamakmak na pagtulong ko sa inyo...' Tinitigan lang namin siya.
'So, kain?' tanong ko ulit.
'Wala naman kasi tayong nadadaanan.' Sinimangutan ko si Keios.
'Anong wala? may nadaanan tayong Chowking kani-kanina lang. Ayan oh Shakey's!' pasigaw kong sabi at tumuro sa labas.
'Walang unli-rice dyan.' Narinig kong bulong ni Keios. The fuuck? Ano meron sa unli-rice?
'Ganun ba kayo kagutom?' Tanong ko at pinandilatan naman ako ng dalawa.
'Anong kami? Eh ikaw nga yung yaya ng yaya kumain! Tanaydana! Kami a talaga yung gutom sa lagay mo hah?' Tawa lang tawa si Doum habang pinapanuod si Keios na halos magwala na dito. Psh..
Tumuro bigla si Claude sa labas. 'Oh. Ayun pala may karinderia!' Tinitipid ako ng loko.
Nadadaan naman pala sa suntok eh! Nakakain na rin sa wakas! Kaso medyo badtrip nga lang si Keios.. Kumain na nga amg mokong, bugnot pa rin.
'Saan na tayo? Uwi na naman siguro niyan noh?' Sabi ni Keios na tumitingin-tingin sa akin ng masama. 5 balot lang naman ng kanin na kain ko ahh! Psh..
'Di pa, pre. Pinapatawag tayo sa school.' sabi ni Dom habang nakatingin sa cellphone niya.
'Weh?' Sabay tingin kay Claude na tinignan din yung cellphone niya at tumango.. Shettt.. Bakit kaya?
'Bakit daw?' tanong ni Keios. Kumibit balikat ang dalawa kong kaibigan.
'Tinext lang ako ni Odd, wala ng ibang sinabi.'
'Same.'
Naknang!!! Bakit kayaa... Namamawis na ako at mukhang napansin ng mga kaibigan ko.
'Kay lang yan, pre, di ka naman sisisihin sa pagkatalo mo, yun nga lang... Yung babae kanina..'
'Ahh!' bigla akong nakahinga ng maluwag, right... pwede ngang yun lang.. At iba ang iniisip ko.. Tama tama.. Okay lang kung yun lang.. Hoo! Nagutom ako bigla dun ahh. Pero kaagad din ulit akong namutla ng nakita kong nakatitig sa akin sila Claude. Nanghihinala na yung mga mata nila..
'Bakit kayo ganyan makatingin hah?!' Sabi ko na pasigaw. Pinanliitan ako ng mata ni Claude, halatang nagdududa sa kilos ko.
'May ginawa ka na naman noh?'
'Wala! I mean, medyo nasigawan ko yung kalaban ko kanina. Yun lang! Di ako nanuntok o ano!' Nanginginig a ang boses ko nung nagsasalita ako. Totoo naman ang sinasabi ko ehh, minus pagbibintang nga lang..
'Wushuu~ Yung totoo? Anong ginawa mo? Hmm? Maliban dun? Sa school? May ginawa ka na namang kabalastugan ano? Sabihin mo na! ara ma-back u-an ka a namin!' Pamimilit ni Claude.
'Uhh.' iniwas ko ang tingin ko kay Claude na ang higpit na ng hawak sa kwelyo ko. 'Kinain ko lahat ng kanin sa school canteen..'
'At?'
'Di nagbabayad.' Nakita ko na lang na nakaangat ang kamao ni Claude at mabilis na dumapo sa mukha ko. Dumilim na lang ang paligid.