Chapter 4

10 1 0
                                    




[Alexcel Saffron Stone]

I wanna pluck Jane's eyes out and sew Stella's grinning lips close, for fuck's sake! We decided to eat first before going home. Ayaw pa rin naman nila Kuya Josh. Dwight said that it's his treat, to celebrate his victory, I guess. Jane's still staring-- no, glaring-- at me, even though we (Maeve and I) already apologize for the ruckus, she called it "scandal", awhile ago! She said it's fine already, but, shit, tingin pa rin siya ng tingin! Malulusaw na ako, pramis!

'aNO?!' I let out a frustrated sigh. She shook her head, slightly laughing about my reaction.

'Uso kasi magkwento. HAha!'

'Ano yun? Anong kwento? Yung lalaki ba kanina? Oo nga, La, sino yun? May kilala ka pala sa Ashonad Academy, saan mo nakilala?' sunod sunod na tanong ni Maeve sa akin. I looked at Jane who's grinning to herself, feeling victorious in her own little game! Shete! I looked at Stella, still grinning! Nag-lock ata mukha ng babaeng to sa ngiti niya eh! Daig pa ang na-stroke!

'Sino na nga kasi yun~?' Pilit nya at sumabay na rin si Maeve sa pang-uusisa. 'Kinikilig ako sa inyo!' Dagdag pa ni Stella. Then she slapped the table with her hand a couple of times. Paano nakakakilig yun, eh pinasuntok ko nga yung-- sino yun? ah.. Basta! Weird ng nagpapakilig dito sa mga kaibigan ko!

'Nakilala ko sila sa 7/11 tapos... Bigyan nyo na lang ako ng papel! Susulat ko na lang.' Agad namang hinugot ni Jane sa bag niya yung notebook at ballpen nya at binigay sa akin. Sinulat ko agad lahat ng nangyari excluding yung popsicle. Ewan ko kung bakit di ko sinama yun. Binigay ko sa kanila, at kaagad na pinicturan ni Maeve yung papel. Stella, then, squealed at pinaghahampas ako at humalakhak naman si Maeve. Si Jane naman, naineexect kong malapad ang ngiti, naka-poker face lang at binigyan lang ako ng napakaliit na ngiti. Halata naman na pinasadahan niya lang ng mata yung sinulat ko eh. Pinunit niya yung page na pinagsulatan ko sa notebook niya at nilapag yun sa lamesa habang mabilisang nilagay yung notebook niya sa bag niya.

'Yieeehhh, nagkaka-lovelife na si Xel! Eww' pang-iinis ni Maeve. Tch. Stella nudged me, ginagatungan pa yung pang-aasar ni Maeve. I rolled my eyes.

'Uyy, ano yan?'

'Shit.' Sabi ni Maeve at tinago yung papel. Pinanlakihan ko siya ng mata. Kumunot naman yung noo ni Dwight.

'Anong pinag-uusapan niyo?' Nagkatinginan kami, except si Jane na inaabot na yung drink niya dun sa tray na nilapag ni Dwight.

'Iniisip lang namin kung may pag-asa ka pa bang tumangkad..' Perkele! Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Jane. Nice save! Niliitan ni Dwight yung mga mata niya.

'Akin na nga yang drink mo, binabawi ko na..' at pabirong kinukuha ni Dwight yung drink ni Jane na nilayo niya naman. Yiieehh, sweet.

'Sweet nyo.' turn ko ng mang-asar. >:D Natigilan naman si Dwight at sinimulan ng mag-distribute nung mga pagkain. Weird. Nagsisimula palang ako ehh.

'Jane, sigurado ka bang yan lang gusto mo?' tanong ni Dwight. Inumin lang kasi pinabili niya. Hindi man lang sinusulit yung libre.

'Ye. 'To lang.' She stood up and swung her bag to her back. 'Uwi na ako. Geh. Bye.' kumaripas na siya ng takbo palabas.

'Dahil ba kay Ervy?' asked Dwight who's giving us a dazed look. We shook our heads. It's just something about Jane, bigla na lang siyang tatahimik kahit na super good vibes siya kani-kanina lang. Di ko alam tawag dun eh. Bipolar?

'Hindi yun, hanggang 3:00 lang siya pinayagan.' sabi ni Stella. Tumingin naman sa relo niya si Dwight.

'Kaka-12 pa lang ah.'

'Ayaw mag-lakad sa initan ng bruha, baka UMITIM daw.' said Maeve and rolled her eyes. Mukha namang hindi convinced si Dwight sa sinabi namin pero hindi na siya nagtanong pa. Sino naman bang maglalakad sa daan ng tanghaling tapat? Pagsisinungaling rin namin noh? Inconsistent.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly That WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon