My Firsts (Short Story)

57 1 0
                                    

©vave
(This story is not that great, there are misspelled words and this story is my own work when I was in elementary, please be gentle to this story. This might be childish😭😂)


Again, those happy memories always flashbacks in my mind

9 years ago...

Naandito ako sa bahay ng kapitbahay naming si Aling Lucia.

Kalilipat lang naming dito sa bago naming bahay pero madami na agad akong ka-close kasi daw mabait akong bata tsaka cute daw ako.

Lagi akong naandito sa bahay nila Aling Lucia, naandito ako pag naboboring ako sa bahay at pwede naman ako dito kasi wala pa yung mga anak ni Aling Lucia, mamaya pang gabi uuwi kasi may pasok ang mga yun eh yung isa college student yung isa nag-tatrabaho na.

Napatingin ako sa orasan nila na nakasabit sa dingding.

Hala! mag-gagabi na pala!

"Aling Lucia uuwi napo ako baka hinahanap napo ako ng Mama ko." paalam ko

"Sige mag-ingat ka ha?" Sabi ni Aling Lucia

"Opo, bye po."

Nag wave na ako sa kaniya at lumabas na ng pinto nila at nag lakad na pauwi saamim. Malapit lang naman ang bahay namin sa kanila. Mga anim na bahay lang ang pagitan.

Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay nag luluto na si Mama ng hapunan namin. Nanoon na lang muna ako ng TV at nag hintay matapos ang niluluto ni Mama.




Kinabukasan, umaga na kaya bumangon na ako sa higaan at naghilamos na.

Pumunta ulit ako sa bahay nila Aling Lucia.

"Oh?! Emerald nandito ka na pala, tamang tama ipapakilala ko sayo itong apo ko naandito sila para magbakasyon kasi summer naman. Emerald sya ang apo kong si Red"

Nilingon ko ang batang lalaki na nakaupo sa pang isahang sofa nila Aling Lucia.

"Ah ako nga pala si Emerald 5 years old nice meeting you." pakilala ko

"Ako naman si Red 7 years old nice meeting you Emerald." pakilala nya

"Sige mag-laro muna kayo ni Emerald, Red ha? Be nice to her.* sabi ni Aling Lucia

"Opo Lola."

Lumabas muna kami ni Red sa bahay pinasyal ko muna sya dito sa Village. Palagala kasi ako dito saamin kaya kabisado ko na ang karamihan sa mga lugar dito.

Dinala ko sya doon sa talahiban, eto ang favorite place ko at walang masyadong nakakaalam sa puwesto na ito.

"Wow ang ganda naman dito." may pag ka mangha sa boses ni Red.

"Oo eto nga yung favorite place ko eh."

"Ako rin! Simula ngayon dito na rin ang favorite place ko." sabi nya sabay lingon sa akin at malaking ngiti ang binigay niya sa akin.

*badump*

Teka? Anong nangyayari sa puso ko?

Simula noong nagkakilala kami ni Red naging malapit na kami sa isa't isa.

My Firsts (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon