EMOTIONAL

7 0 0
                                    

#2 Emotional - Anger, Sadness & Guilt

Hindi maiwasan makaramdam ng ganito kapag may mga pangyayaring hindi maganda. Okay lang yan kasi tao tayo may pakiramdam. Pwede kang makaramdam ng galit kasi niloko ka or sinaktan ka. Pwede ka ding makaramdam ng kalungkutan kasi iniwan ka at nawalan ka ng isang minamahal. Pwede din makaramdam ka ng pagsisisi dahil maaring ikaw naman ang dahilan ng hiwalayan or ikaw ang nakasakit.

Alam mo naramdaman ko ang tatlong yan. Nagagalit ako kasi later nalaman ko na naloko na naman ako. Nalulungkot din ako kasi nawalan ako ng minamahal kasi nasaktan ako sa ginawa niya at nasaktan ako dahil iniwan niya ako. Nakaramdam din ako ng guilt kasi feeling ko hindi ko ginawa ang best ko para maligtas ang aming relasyon. Alam niyo ba dumating din ako sa punto na wala na akong maramdaman kasi nasaktan ako ng sobra sa mga pinagsasabi niya sa akin nung huli kaming magkita.

Pero natutunan ko na kahit okay lang na makaramdam ng ganyan e dapat hindi tayo magpakain ng tuluyan sa mga emosyon na ito na maaring magdulot ng ikasisira ng ating sarili. Kung iisipin mong maigi pwede din itong maging motivator mo pero wag mong hayaan ang sarili mo na dumating ka sa punto na paghihiganti na ang nasa utak mo. Gamitin ang lahat sa tama. Tandaan the more na magattract ka ng negative vibes e negative din ang kapalit pero kapag positive e positive din. Ika nga kung ano ang tinanim ay siya rin ang aanihin. Tulungan mo ang sarili mo ha. Kasi sa huli kung ano man ang desisyon mo e ikaw rin ang aani nito.

05-12-2017

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MOVING ON EXPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon