PRAY

3 1 0
                                    

Madalas sa buhay natin ito yung last resort. Nagdadasal tayo kapag exhausted na tayo sa mga paraan para maayos ang buhay o problema natin. Nakita ko sa buhay ko na mahalaga pala ang pananalangin. May time na wala kang masabihan o kaya may mga bagay ka na hindi masabi sa iba e kay God mo ibigay lahat. Ako kasi dine-deal ko siya mag-isa. Hindi ko makuhang magkwento kasi parang hindi ko matanggap na failed na naman ako sa larangan ng relationships. May mga gabing umiiyak ako at nag-pi-pray. May time pa nga nagfafasting pa ako kasi gusto kong malinawan eh. Masakit mawalan ng minamahal, masakit mabigo at lalong masakit ang iwanan ka kahit alam mong ginawa mo naman ang best mo.

Minsan sa pagdarasal natin akala natin walang sagot pero hintay ka lang kasi may dahilan ang lahat bakit nangyayari sa atin ang mga ganitong bagay. Parang ako noon nagdadasal din ako na bumalik siya, na maayos kami at yung mga kadalasang dinadasal ng mga taong iniwan. Pero alam mo sa panahon na wala siya doon tayo mas makakapag-isip. Hindi man makarinig ng audible voice, naniniwala naman akong may sagot ang Diyos. Pakonti-konti ipapakita niya sa iyo bakit.

Actually minsan sa akin ang dami nang paramdam eh pero alam mo naman tayo kibit balikay kasi 'mahal ko eh.' Praying keeps me intact lalo na sa panahon na mukha akong basag. Pray for healing para sa puso mong nawasak. Ipagpray mo ang sarili mo at huwag na tungkol sa kanya.

Kung gusto mo talaga mag-move on simulan mo na magdasal. Sabi nga sa katagang PUSH (Pray Until Something Happens). Ipagdasal mo na sana maging aware ka at mabago ka hindi lamang para sa magiging next relationship mo kundi para sa sarili mo.

"Prayer changes things" lalo kapag tama ang puso at ang ipinapanalangin. Hindi masamang hingiin na maka-move on ka at naniniwala ako na si Lord ang bahala sa iyo.

*I forgot the date pero 2017 na ito

MOVING ON EXPRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon