CHAPTER 1!!!
Kring...kring....kring....
Sino ba tong tumatawag. Hindi makaintindi ng nagpapahinga yung tao. Haist ang ingay kainis.
“bahala ka jan. Hindi kita sasagutin.” nairapan ko tuloy ang walang kamalay malay na telepono. Kainis naman kasi ang aga agang istorbo. Buti naman at tumigil din.
“aaannniiiikkkkaaaaa!!!!!!!”boses yun ni mommy ahh...sumisigaw?
“wah!!!mom why?may sunog ba may sunog ba?nasan?”sigaw ko din kay mommy. Wooh! Muntikan na kong madapa dun sa pagtakbo ahh. Ang bilis kong nakarating dito sa may hagdan natakot kasi ako sa sigaw niya ee.
“there’s no fire baby”nakapout pang sabi ni mom. Ano ba yan parang bata pa pout pout pa. “i’ve been trying to call you. Pero hindi mo naman sinasagot yung phone.”ahh si mommy pala yung makulit na tumatawag sa telepono sa kwarto ko. Tsk kulit talaga.
“so it’s you. Mom you disturb my rest. Tsk we’ll gonna talk later but for now just let me sleep please. It’s too early to argue with you.” pumasok na agad ako sa room ko bago pa siya makapagreklamo.
Pero bago ko pa masaraduhan ang pinto. Aba nakapasok na agad si mommy. Wow si flash ba toh? Bakit ang bilis.
“mommy naman eh. Your invading my privacy.” nagpapadyak pa ko ng paa. Ayoko talagang may papasok sa room ko lalong lalo na si mommy.
“princess first day of school ngayon. Baka nakakalimutan muna. you only have one hour to prepare okay? Sabay na tayo pumunta sa school.” parang batas na sabi ni mommy.
First day nga pala ngayon. Yehey! 4th year high school nako. Konting panahon na lang college na ko. I’m so excited.
“okay.”walang gana kong sagot sakaniya.,
“sige baby sa baba na ko magiintay.” hinalikan niya muna ako sa cheeks bago umalis.
minsan na lang talaga kame magkita ni mommy. actually umuwi lang siya kasi opening class ngayon. mas importante ang school sakanila kesa saken na anak nila.
After one hour...........
“mom i’m ready let’s go.”yaya ko kay mommy.
yaya where's my things na po? im going na po ee..” sabi ko sa babaeng may edad na. Siya si yaya manilyn. siya na halos ang tumayong magulang ko kaya love na love ko yan ee..
Wow huh ang tahimik ata ni mommy.
“mom may problema kaba?” hindi ko din matiis eh. Tahimik siya masyado. Hindi ako sanay.
“none baby i’m okay don’t worry.”
“then why your so quiet?” naninibago talaga ako parang hindi si mommy tong katabi ko.
Napansin ko ang pagsulyap ni manong ben samin. At inayos pa ang salamin upang makita kame ng ayos. See pati driver ni mommy naninibago sakaniya.
“wala lang to baby namimiss ko lang ang daddy mo.”
Hindi na ulet ako nagtanong pa. Alam ko naman ang nararamdaman ni mommy ee kasi kahit ako namimiss ko na din ang daddy ko. I miss you dad.
Ay hindi niyo pa nga pala ako kilala. My name is anicka michele lee. 15 years old. Nagiisang anak nina mommy at daddy. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Almost perfect na nga daw eh. Halos lahat daw ng bagay nasa akin na. Wala na nga daw akong bagay na mahihiling pa. Kasi nung nagpaulan daw ng swerte si Papa God sinalo ko daw lahat. Yun yung akala nila. ISANG MALAKING PAGKAKAMALI. Akala nila nasakin na lahat. Akala lang nila yun. kasi sa totoo lang walang kwenta ang buhay ko. Wala akong halaga. Oo maganda ako mabait, matalino at mayaman. PERO WALA NAMANG NAGMAMAHAL. NBSB oo wala pa kong nagiging boyfriend. Wala naman kasing nanliligaw eh okay lang bata pa ko para sa love na yan. Ang kailangan ko ay ANG PAGMAMAHAL ng aking mga MAGULANG.
For 15 years of my existence wala akong ibang kasama kundi si yaya manilyn at si kuya peter driver ko. Yung apat kong bodyguards si dexter, alex, aries at alfie. Anjan lang sila sa tabi tabi kasi simula nung 1st year high school ako ayoko ko ng nakabuntot sila saken kasi nilalayuan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Kaya ayan nagtatago tago sila sa tabi tabi para hindi makita ng mga tao.
Sina mommy at daddy minsan ko lang sila nakikita. As in minsan lang. Hay!! Kahit birthday hindi ko sila nakakasama...speaking of birthday......iihhhh!!!birthday ko na sa sabado...*fireworks fireworks* sana makasama ko sina mommy at daddy......