CHAPTER 2

3 0 0
                                    

CHAPTER 2!!!

Andito na ko sa school. Good vibes sana. Fisrt day naman eh. Makisama sana lahat. Naghiwalay na kame ni mommy kanina. Dumiretso agad ako sa cafeteria hindi ako nakakain sa bahay sa pagmamadali. Yung baby crocodile ko sa tummy nagwawala na. Pag sinuswerte ka nga naman ang haba ng pila. Haizt bakit ba ganito lagi dito. Dapat siguro magrequest ako kay mommy na palawakin tong cafeteria. 

“good morning princess”bati nung isang girl saken.

“good morning po young lady”bati naman nung isa pa.

“good morning po”

“magandang umaga po princess”

At halos lahat ng madaanan ko ay bumabati saken yumuyuko at tumatabi. Haizt ayan na naman sila. Ang aga aga pinapainit nila ang ulo ko. Pwede ba nila akong bigyan ng isang ordinaryong araw. Yung araw na para sa isang simpleng estudyante. Gusto ko ding maranasan yun. 

ISANG BUHAY NA SIMPLE.....

Yung simple lang lahat...yung hindi ako anak ng mayari ng school na to. Yung hindi ako anak ng isang business tycoon. Tama kayo isa kame sa mayayamang tao dito sa pilipinas. And im not proud of it. Hindi talaga. Ayokong nilalayuan ako ng mga tao. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Yung para akong nagiisa wala na ngang magulang wala pang kaibigan. I hate this life..............

Sa pagiisip isip ko may nabangga akong lalaki at sa kamalas malasan natapunan ng juice ang tshirt ko...ANG PANGIT NG START NG ARAW KO!!!

Nakita ko agad yung apat kong bodyguards na palapit saken. Tinaas ko ang kamay ko upang pigilan sila. 

Yung lalaki naman na nasa harap ko agad kumuha ng panyo sa bulsa niya at pinunas agad ang damit ko. Pinigilan ko siya sa ginagawa niya.

“sorry po, sorry po young lady.”natatarantang sabi ng lalaki.

He looks familiar. San ko ba to nakita?

“okay lang hindi mo naman sinasadya eh.” nakangiti kong sabi sakaniya. “kasalanan ko din naman hindi ako natingin sa daan ee.”

“ang bait niya talaga noh?” Sabi nung babae sa table na malapit sa amin.

oo nga. Ang perfect niya talaga.” sabi naman nung isa.

Narinig ko pa ang ibang tao sa paligid ko na nag kaniya kaniya ng comment. Pero may isang nagsalita ang agad kumuha ng pansin ko.

“nag papaimpress lang yan. Kung hindi ko pa alam tinatago lang niya ang masama niyang ugali.” sabi ni arriane.

Classmate ko siya mula elementary hanggang ngayon. Kakompitensiya ko sa lahat. Stock holder sila school na to. At magkaibigan ang mga parents namin. Ewan ko ba kung bakit siya ganyan saken. Wala naman akong ginawang bad sakiniya.

“sige huh iwan na muna kita. Magpapalit pa kasi ako ng damit” sabi ko sa lalaking nakatapon ng juice saken.

“sorry ulet young lady”

“okay” umalis na ko dun kasunod ang aking MIB. 

Pgkapalit ko ng damit. Pumunta na din ako sa klase ko. Habang naglelecture yung prof. Namin.

“siguro naman kilala niyo na ang isa’t isa. Wala namang bagong mukha dito sa klase niyo. Pero to make everything formal one by one introduce yourself in the front. Let’s start with----” natigil ang sasabihin ni prof. Reyes 

Booooggssshhh.............

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki.

“mr. Yu, i think i deseve some explanation. Now, tell me why you are late? 

Napatingin naman ako sa lalaking ngayon ay nakaupo na sa last row katabi ng bintana. Hindi niya man lang tiningnan ung prof. Namin eh kinakausap siya. Ang bad naman niya. Pero infairness huh ang gwapong nilalang naman nito. Ang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong singkit ang mata blond ang kulay ng buhok. Kaso mukhang mayabang at walang galang. 

Nahalata niya ata ang pagtitig ko sakaniya lumingon siya sa tayo ko. Nagkatitigan kame sandali at biglang

LUBDUB.....LUBDUB.....LUBDUB.....LUBDUB.....LUBDUB......

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito? May sakit na ata ako sa puso. Ang bilis naman pumintig nito ngayon. Oh my god may sakit nga ako sa puso. Natataranta akong tumingin sa unahan. 

“let’s proceed. Now let’s start with ms. Lee.”

Agad akong pumunta sa unahan upang makapagpakilala.

“hi! I’m anika michele lee. 15 years old. I hope that we can all be friends.” nkangiti kong pagpapakilala sakanila. 

Napatinigin ako dun sa lalaking nasa tabi ng bintana. Nakatingin din siya saken. Napahawak ulit ako sa dibdib ko ng bumilis ulit ang tibok nito. Bakit parang me karera ng kabayo sa dibdib ko. Naiiyak na talaga ako.

Umupo na ko sa inupuan ko kanina. Isa isa ding nagpakilala yung mga classmate ko. Nalaman ko din ang pangalan nung lalaking intruder ng klase namin.

SI RON YU.....

Bakit parang matagal ko na siyang kilala..bakit ganito tumibok ang puso ko...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make it rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon