CHAPTER 4 SENSUS

35 0 0
                                    

Chapter 4 SENSUS

Hindi talaga magkakaroon ng matagal na sandali ng katahimikan ang pamilya Buenavista. Ang kaninang insidente ng pagkakakita ni Misty Rose sa kanyang "kabiyak" ang naging paksa ng pag-uusap ng mga gwapo't magagandang nilalang.

Misty Rose POV

"Mukhang kailangan na namang maghanap ng malaki laking sasakyan." Hirit ni Daddy Cyan.

"Wow! Parami na tayo ng parami!" Masayang dagdag ni Mommy Magenta.

Napangiti ako bigla.

Ang saya siguro kapag nakasama ko na sya. Makukumpleto na ako. Mabubuo na ang buhay ko. May time kasi na parang i'm not totally happy, kahit na tawa ako ng tawa dahil sa mga banat ni Zaff.

May time naman na malulungkot na lang ako bigla bigla. Pero ang ginagawa ko lang nyan eh inaayos ang mga halaman sa garden. Which is one of my main source of happiness for the past decades.

Tapos, there was this instant that i felt glee all of a sudden. Inisip ko na lang noon na siguro naenjoy ko lang ang B negative na meal ko. Pero hindi naman na nangyari yun ulit.

"Em-Ar, spell inlove agad-agad?" Biglang tanong sa akin ni Zaff.

"Ha?" Ano bang tinatanong ng lalakng toh? Hello? Hindi ba nya alam spelling nun. May topak na naman?

"Kasi naman Em-Ar, ilang segundo mo lang syang nakita. Pero yung mukha mo para ka nang inlove ng halos isang milenya!" Nakangising sagot ni Zaff.

Hala! Itsurang inlove na ba ako?

Tumingin ako kay Mommy Mag. Nakangiti sya sa akin, at tumango. Yung ngiting nagpapakita na sobrang saya nya, yung abot hanggang tenga. Dagdagan mo pa ng ngiting nagpapakita na parang sobrang proud nya sakin.

Ganoon ba talaga pag nakita mo na ang "the one." Ganoon ba kapag alam mo ng nasa malapit lang ang para sayo. Ang nilalang na tanging sayo.

Tumango lang siya at pagconfirm na inlove na nga ako. Naisip ko, ang sarap pala ng pakiramdam. Paano pa kaya kapag katabi ko na sya. Kapag nahawakan ko na sya. Nayakap. Nahalikan.

Wait! Erase erase yung huling naisip ko! Gosh, its weird!

Nagising na lang ako sa aking day dreaming moment dahil sa lakas ng tawa nila. Actually hindi lahat, yun lima lang. Maliban sakanya, yung isa sa mga "kapatid" ko na nagsalita lang ang ginawa, pero napigilan akong habulin ang "The One."

Aaminin ko, nainis ako sa pagpigil nya sakin para sundan ang lalakimg para sa akin. Ayun na sya eh, konting takbo lang yun, maabutan ko sya agad kahit na naka big bike pa sya.

Pero naisip ko ngayon, kung ginawa ko pala yun, makakakuha ako ng atensyon mula sa mga tao. At pwede itong ikapahamak ng buong pamilya. Iyon ang pinakaayaw naming mangyari, ang maghinala ang mga tao na iba kami. Gusto lang namin ng simpleng buhay. Nang tahimik na paligid. Pag nagkataoon pala, malaking problema ang pwede kong maibigay kay Mama.

Napapangiti pa rin ako sa mga nangyari, kahit pala nakahelmet ito, hindi nakikita ang mukha, mararamdaman mo na lang yung kakaibang bagay sa literal na hindi na tumitibok na puso ko.

Ganito pala yung "that feeling" na ikinikwento lagi ni Vi sakin. Nabaling ang tingin ko kay Vi ng magsalita ito na parang nabasa nya ang nasa isip ko.

"Ang sarap sa pakiramdam, diba?"

Nawala agad ang ngiting sinagot ko sakanya noong sumabat bigla ang sira ulong kambal nito.

"Grabe Em-Ar! Kung makikita mo lang itsura mo, para kang baliw!" Sabayan pa ng malakas na tawa ang pang-aasar ni Zaff.

"Che!" Inirapan ko na lang ang shoulder lenght haired guy na ito. Kasi kung sasagot pa ako, baka ako pa matalo. Mahitrap na, hari ng mga pasaway at pambabara yan eh.

Biglang nanlaki ang mata ko habang nakatingi sa may bintana. May naalala kasi ako na napakaimportante!

"Wait!" Pasigaw kong sabi.

"Wag mong sabihing nakita mo na namansya?" Tanong ni Damson na nasa bandang likuran ko.At kahit hindi ko nakikita, siguradong magkasalubong na ang kilay ng pre-spaniard era guy na ito.

"Duh! Pagnakit ko saya ulit, susunggaban ko na sya agad-agad without warnings noh!" Sagot ko sakanya na nakataas pa ang isa kong kilay paglingon dito.

I paused, and remembered what she said. Napatingin ako sakanya ng alanganin, na medyo nahihiya.

"Syempre, joke lang yun. He-he-he." Alam kong pilit yung tawang ginawa ko. Ikaw kayang sulyapan nya bigla! Aber! Wala po akong sinabi susunggaban ko ang honey my loves so sweet ko!

Santisima! Biruin mo na ang bampirang hindi pa nakakainum ng dugo ng halos isang linggo, huwag lang ang babaeng iyan!

"Ang gusto ko lang pong sabihin, hindi naman siguro nyo aaraw-arawin ang paghahatid at pagsundo samin, diba?"

"Tama si Misty. Besides matatanda na kami. Literally and figuritively." Patango tangong pagsang-ayon ni Vi.

"Of course, darlings. Gusto lang namin makita ang bago nyong school." Sagot ni Daddy Cy na mabilis na lumingon sa amin.

"But as always. Sabay sabay kayong papasok at uuwi. At kung aalis man kayo, let say may date or something, dapat magpaalam. Ok?" Paalala pa ni Mommy Mag.

Parang bata lang kaming tumatango sa mga bilin nya. Except for her.

"At ang pwede lang magmaneho ay si Damson at..."

Hindi na natapos ni Daddy Cy ang sasabihin dahil nagreklamo na si Zaff. Idagdag pa pala kami ni Vi. Eh decades na kaming hindi pinapayagang magmaneho papunta sa mga school na pinapasukan namin. Masyado daw kaming tatlong nakakaattract ng attention. Kasalanan ba naming pinaglahi yata sa pagong ang mga tao sa pagmamaneho?

Pero hindi to pwede! Kung hindi ko mararanasang magmaneho ng bagong biling BMW ni Mama, ako ang pipili ng kulay ng sasakyan namin. And it will be the best color in the world. The mighty, ever stunning and powerful color. Pink!

Hindi ko na namalayan na nasa bagong school na kami. Sa diskusyunan ba namin ng mga pros and cons ng mga pambato naming sasakyan. Tumahimik na lang kami ng makita namin ang isang magara at malaking gate na may nakalagay na arc sa may itaas nito. Mayroong isang kakaibang simbulo ang nakalagay sa gitna ng arc na nagpataas ng kilay ko. Nagkasalubong kami ng tingin ni Vi, at mukhang parehas kami ng naisip base na rin sa pagkakunot ng nuo nito.

Bakit meron nito dito?

Gusto ko mang tignan ang tahimik naming "kapatid," pinigilan ko na lang ang aking sarili. Mahirap na.

Matapos ang medyo mahabahabang paalala ng do's and don'ts ni Mama Mag, eto kami ngayon, naglalakad sa school quadrangle. Papunta kami sa main building or admin building.

Halos lahat ng taong madadaanan namin ay saamin nakatingin. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo't magaganda. May mga nagbubulungan pa, as if hindi namin maririnig. Super hearing ability?! Hello?

Suddenly, Vi emits some dark aura. This is not good. Alam kong nabwibwisit na sya, maiksi pa naman ang pasensya ng babaeng yan. May mga not so good comments kasi kaming naririnig. Dagdagan pa ng mga babaeng parang bulating binudburan ng asin dahil sa so called kilig, courtesy of these two boys, named Damson and Zaffre.

Ayos lang naman kay Vi kung si Zaff ang landiin or sakanya magpacute. Pero kay Damson? Lagot kang bata ka. Nangangagat po yan, promise!

----

A/N. In-update ko lang agad toh. hindi ko na sya binasa ulit. kung madaming typos at grammatical error, so be it. walang edit edit na magaganap.. hihihi

PS: #OtakoModeSiYML

@YoureMyLumos

BITE ME IF YOU CAN (KN FF) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon