Dress

4 0 0
                                    

Hawak hawak ang mga pinamili sa mall, agad akong tumakbo sa isa pang kilalang brand naman ng mga damit.

Ito ang naging gawi ko. Ang waldasin ang perang pinag-ipunan ko upang makawala sa sakit na nararamdaman ko sa ginagawa ni Gio sa akin.

ERICH?!!!!

Isang lalaki ang humawak sa braso ko. Si Gio. Nasa mall. Nasa loob ng clothing store. Si Gio may hawak na dress. Si Gio may kasama.

ERICH ANONG GINAGAWA MO DITO?

Kanino yang dress? Para saakin ba yan?

Hinila ko ang pulang bestidang hawak hawak niya. Alam kong may kasama siya ngunit nagbulag bulagan lamang ako. Alam kong di niya kaibigan o kamag-anak yun pagkat namumukaan ko ang babaeng kasama niya. Siya yung dating nakita kong kasama niya sa concert na gusto kong puntahan. Siya yung babaeng tinitignan niya noong nadaan kami sa Starbucks. Siya yung babaeng nagpapaliwanag sa mga mata ni Gio.

Agad kong niyakap si Gio. TANGA.


Ibigay mo na lang sa akin ito bilang break up gift.

Sige.


Nakakatawang isipin na gusto ko pang magpalibre sa kanya ng damit bago makipaghiwalay. Nakikita ko kasi sa babaeng kasama niya na gustong gusto niya itong bistidang ito, gusto ko lang maramdaman niya ang pakiramdam ng mawalan, ng maagawan.

Iniwan ko kaagad sila nang may lungkot sa mga mata ng babaeng kasama niya . Ako man ang nagwagi ngunit hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang pamamalimos ko ng pagmamahal kay Gio.

Richest poorWhere stories live. Discover now