Story Behind the Star

279 9 11
                                    

"Ano na naman yang tinitignan mo diyan Miko? Naghihintay ka na naman ng bulalakaw?"

"Adik, wishing star tawag dun, mas maganda pakinggan."

"Teka, sabi mo kahapon shooting star tawag mo doon?"

"Wishing star na pala, teka parehas na nga lang gulo mo -- Tumingin ka bilis!"sabi niya sabay turo sa langit at biglang pikit ng kanyang magagandang mata.

Best friend ko siya, pero may lihim akong pagtingin sa kanya. Cliche no'? Madali naman kasi talagang mahulog sa taong lagi mong kasama, lagi kang pinasasaya. Masisisi niyo ba ako, di ko naman maiwasan, di ko mapigilan. Alam ko naman na pag pinasok ko ito masasaktan lang ako, pero kahit na, nagiging masaya naman ako kahit papaano, sa tuwing kasama ko siya. Yun nga lang hanggang kaibigan, kapatid lang yung turing niya sa akin dahil may iba na siya, may iba na siyang mahal.

"May wi-nish ka ba? Ginandahan mo ba?"tanong niya. Di ko nga nagawang tumingin sa wishing star kuno bulalakaw na yun, kasi masaya na akong tumingin sayo, diyan sa maamo mong mukha. Wala akong pakialam diyan sa bulalakaw mo kasi alam ko naman na kahit i-wish pa kita, di rin naman kita makukuha. 

"Ikaw, ano wi-nish mo?"tanong ko na lang sa kanya.

"Secret yun. Pag sinabi ko saiyo, di na matutupad yun!"

"Bakit ka ba kasi nagpapaniwala diyan, e' wala naman yang kapangyarihan para tuparin yang hinihiling mo.

"Di naman sa lahat ng bagay, ang tinitignan ay yung katotohanan. Minsan kailangan mong magpakatanga para maranasan ang saya at excitement. Yung tipong kahit di mo alam kung mangyayari ba talaga, yung kahit na umasa't nasaktan ka, kahit papaano naging masaya ka di ba?"seryoso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata.

Di ako makapagsalita, parang yung mga sinabi niya, para sa akin talaga? Oo masaya ako. Umaasa rin naman talaga ako, pero habang umaasa ako nasasaktan rin ako. Kaibigan lang ako, ayun ang katotohanang hindi ko kayang tanggapin. Na kahit nagpapakatanga ako sayo para maging masaya, ito namang si realidad paulit-ulit saking sinasampal ng katotohanan.

"Ah eh, bakit masaya ka ba?"

"Oo naman,nakakita na nga ako ng wishing star, first time pa,"nakatingin lang ako sa kanya ng mapatingin rin siya sa akin"At kasama pa kita."ngumiti na lang ako bilang sagot ko sa kanya, at muling tumingin sa kalawakan.

***

"Oy Faye,kita tayo mamaya! Papakilala ko na siya sayo."

"Ge, doon na lang sa ulit sa dati."

"Mamayang uwian, hintayin ka namin doon."

***

Habang naglalakad ako papunta sa kitaan namin, bawat hakbang ko, iniisip ko ba kung tutuloy pa ako. Kung pupunta pa ba ako doon? Marami naman akong pwedeng idahilan. Kesyo sakit ng ulo, sakit ng tiyan, may emergency o ano pa man. Yung isip ko patuloy sa pag-iisip na huwag ng pumunta pero itong puso ko, gusto naman. Gusto ko siyang makita, gusto kong makita yung babaeng kahit kailan di ko matalo, di ko matalo sa puso ng mahal ko.

Gusto ko na bang magpakamatay? Sa gagawin ko, parang ganoon narin yung patutunguhan nun'.

Parang sasaksakin ang puso ko kapag nakita ko silang masaya.

Pero di ba, Love is Sacrifice? Pero grabe naman e', bakit pa kasi nauso yun! Parang ang unfair naman noon, oo nagmamahal ako, oo nagiging masaya ako sa pagmamahal sa kanya pero di naman sapat yun para masaktan ako ng sobra, di ba?

"Oh Faye, buti nakarating ka, akala namin inindian mo na kami."

"Ah hindi no', bakit ko naman iindianin ang best friend ko?"

Story Behind the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon