Sinungaling

1 0 0
                                    

"Sinungaling"

Hindi alam kung maniniwala pa
sa mga lumalabas na salita
sa bibig mong minsa'y nagsinungaling na.
Nagdadalawang isip kung susugal pa ba.

Pero mahal kita
kaya wala akong nagawa
kung hindi bigyan ka pa ng pagkakataon
kahit ilang milyon beses na naulit noon.

Tanga kung tanga
pero wala, mahal talaga kita.
Nagpapatay malisya
kahit minsan ayoko na.

Pero ngayon nagising ako
narealize na talaga ngang tanga ako
Mga salitang napaikot mo
Bravo! Hindi na muling magpapaloko.

Poetry (R A N D O M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon