8: Meet Dana

3.8K 64 1
                                    

*****

Kelly's POV

" Kelly tingnan mo ako. Okey na ba ang itsura ko?"

Di magkanda ugaga sa pag-aayos ng kanyang suot 'tong baklang ito.

" Oo na! Intayin nalang kita dito ha. Baka naman hindi mo na naman ako balikan dito."

" Ano ka ba Kelly, eh sa napapasarap ang usapan syempre gogorabels na ako, gaga. Siya puntahan ko na siya dun. Ba-bushki Puke!"

" Ishhh.. Bastos!"

Naupo ako sa isang tabi, at ibinalik ang tingin kay bakla na nagkekekendeng papalapit dun sa lalaking nag-iisa isa sa bench.

Matawa tawa nalang akong nakatingin sa kanilang dalawa. Ang landi landi kasi ni Alexander. Kung makalingkis wagas. Pinagtitinginan nga sila eh. Maya maya ay tumayo sila at mukhang alam ko na ang sunod na mangyayari kaya tumayo ako. Sininyasan niya ako at nagkakaway sa akin.

Sabi na eh at iiwanan na naman ako--

Napatingin ako sa humawak sa aking mga kamay. Isang babaeng nakasalamin, nakaponytail at nakauniporme kagaya ng sa pinapasukan ko.

" B-Bakit--"

" Wag kang maingay!" Sigaw niya at natakot naman ako kaya hindi na ako nagtanong pa. Ano bang ginagawa niya?

Seryosong seryoso siyang nakatingin sa mga palad ko. Maya maya nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin.

" B-Bakit? Anong meron sa pa-palad ko?"

" May apat na lalaki sa buhay mo..."

" S-so?" Ay tae! Napapaenglish ako. Napalunok tuloy ako ng laway ko. Ano ba tong babaeng to? Manghuhula?

" Isa sa kanila...

..ang magiging boyfriend ko. Uwaaaaaah!!"

Sabay bitaw niya sa kamay ko.

O_____O?

Na-upo siya at kasalukuyang nakahawak ang mga kamay niya sa ulo niya.

" U-uy?" Hahawakan ko na sana siya kaso..

" Wag mo akong hawakan!" Edi hindi. Sus, sa dali kong kausap. Sino ba siya?

" Kilala mo ba si--"

Dana's POV

Geeeeeeeee~

Bakit-bakit nasa kanya ang magiging boyfriend ko. Masyadong mapangahas ang babaeng ito. Hindi pa siya nakontento at apat ang lalaki niya, impakta!

A-ako nga pala si-si Da-Dana.. I'm abnormal. Nasa genes namin ang pagiging a-abnormal.

" Kilala mo ba si--"

Tatanungin ko palang siya kaso nanlaki ang mata ko ng may sumulpot na lalaki sa likuran niya at nagkakaway sa akin.

" Sino? "

Tik

.

.

.

tak

.

.

.

tik

.

.

.

tak

Mu-multo.

Buhooo~

*****

Hi guys, medyo maikli pero pagtyagaan niyo na nyahaha~

Mamaya ang next UD :)

Story 7: Four Ghosts try to Rape me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon