"Never assume"....daw

0 0 0
                                    

Aminin mo, mahirap pigilan ang pag assume lalo na pag pag-ibig ang usapan.

Natural na siguro sa atin ang mag-assume. Hindi mo yun basta basta napipigilan. Pwede mong i-insist sa sarili mo na wag mag-assume...pero aminin mo, at the back of your mind nag a-assume ka pa din.

Even the most simple things na ginawa ni crush or nangyari involving crush binibigyan mo ng meaning.

Walang masama sa pag-assume.

Oo.

Walang masama doon.

Hindi naman natin kasalanan na gustuhin na magustuhan eh. Syempre if you feel something for someone you automatically wish na maging mutual yung feelings niyo.

Pero ang masama ay kung hindi ka prepared pag nag a-assume ka.

Hindi ka prepared na baka mali yung assumption(s) mo.

Hindi ka prepared na mali yung iniisip mo.

Hindi ka prepared na baka yung iniisip mo eh hindi naman pala totoo.

Hindi naman kasi sa lahat ng oras eh tama ang iniisip natin. Hindi lahat ng bagay na binibigyan natin ng meaning eh meron talagang meaning. Yung pagtabi ni crush, pwedeng gusto niya talaga na tabihan ka or pwedeng nagkataon lang talaga.

Yung pagsabay niya maglakad sa'yo pwedeng sumakto lang na sabay kayo ng dismissal or pwedeng sinabayan ka niya talaga.

Yung iniisip mo na baka gusto ka niya pwedeng tama o mali pala.


Kaya nga ginawa ng motto ng karamihan ang "Never Assume" eh. Kasi gusto nilang pigilan yung sarili nila sa possible rejection.

Pero kung hindi mo naman kaya na isabuhay ang motto na yan, chill. May isa pa tayong pwedeng gawing motto.

"Assume with Caution"

Siguraduhin mo lang na handa ka.

What(s) and Why(s) of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon