Prologue

61 2 0
                                    

"Wala na. Nakita mo ba?" 

O, ayan na naman siya sa mga ngisi at kataga niyang laging niyang sinasabi sakin tuwing nagkikita kami. May pakumpas-kumpas pa siya ng kamay habang sinasabi ang 'wala na' na parang bata ang kausap niya. Tsk!

Kailan ba siya titigil? Hindi ba siya napapagod sa kakasabi ng ganyan sakin araw-araw, oras-oras, minu-minuto, at segu-segundo?! 

"Hoy! Ikaw!"

"Ako?" Napaturo naman siya sa kanyang sarili ng wala sa oras.

"Ay hindi.. Siya! Siya ang kausap ko. Kita ng ikaw ang kaharap diba?" Yan! Napapilosopo na rin ako ng wala sa oras. "Ano bang kailangan mo sakin ha? Lagi mo na lang sinasabi sakin yang 'Wala na. Nakita mo ba?' line kuno mo. Yung totoo, Darwin? Anong problema mo?"

Pero imbis na sumagot ang mokong, sinabi niya lang ulit ang famous line niya sakin,

"Wala na. Nakita mo ba?" bago tuluyang tumakbo palayo.

Maigsi lang po ito. Enjoy reading.! This is my second story. 

All rights reserved  || Own by DragonInDisguise

Wala na... Nakita mo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon