A/N: Eto na po ang last chap! Kahit po hindi umabot sa desired votes ko, nag-update pa rin ako. Hindi naman talaga ako nag-eexpect na marami ang magboboto ng story na to kaya kahit walang ni isang boto, tuloy UD pa rin. (^_^) Enjoy reading even if it's not that enjoyable and interesting!
'EVERYONE SAYS YOU ONLY FALL IN LOVE ONCE, BUT THAT'S NOT TRUE
BECAUSE EVERYTIME I SEE YOU, I FALL IN LOVE ALL OVER AGAIN.'
Ang sweet naman ng love quote. Kakilig! Hart hart! Sino kayang nagbigay?
-WALA NA. NAKITA MO BA?
Seven Holy guardian angels!! Watch over us and protect us. AISH! Napapdasal na tuloy ako.
Pati ba naman sa card, susundan pa rin ako ng 'Peymus Line' ng pesteng yun. Nakakapeste na talaga.!
Mabuksan na nga lang ang gift.
*Sira wrapper* Woooooow!! Chocolates..! Yay! My favorite ever!
Favorite niya rin to eh. Sa pagkakatanda ko, eto yung binigay ko sa kanya noong----
Ghad naman, Eunice! Ba't mo pa inalala? Pero wala eh, nainvade na ng utak ko ang pait ng nakaraan.....
=====FLASHBACK=====
THIRD PERSON PERSPECTIVE
"Gusto kita." ang biglang lumabas sa bibig ni Eunice habang inaabot niya kay Darwin ang kanyang regalo para sa huli. Ferrero Rocher, ang favorite niya, nilang dalawa.
Crush na niya si Darwin magmula pa noong Grade 4, ang year kung kailan nagtransfer si Darwin sa school na yun.
Crush niya si Darwin noon dahil sa kanyang angking galing sa academics. Hinahangaan niya ang palagiang Top 1 nito sa buong klase at sa buong batch. Ang pagkaattentive nito sa klase at ang mahilig na pakikisama, sobrang hinahangaan niya.
Dahil nga sa crush niya si Darwin, inalam niya lahat ng dapat alamin kay Darwin. Unang-una ang buong pangalan nito. Darwin Angelo F. Bautista. Check. Sunod na ang address, birthday, year of the ano, zodiac sign, favorites at ang mga likes at dislikes.
At syempre, suportado ang kanyang best friend na si Ivy sa kanyang crush. Bawat gawin nito, sinusundan nilang dalawa kahit na magmukha silang stalker.
Ngayong seceond year high school na sila, binalak na niyang magtapat sa halos apat taon na niyang crush or sabihin na nating mahal na niya.
Halatang gulat ang lalaki base sa paglaki ng kanyang mata. Nagbukas-sara ang bibig niya na parang isda at may gustong ipahiwatig ngunit nag-aalangan siyang sabihin ito.
"Eunice... Sorry.. I.. Hindi---" Bago pa man makatapos ang lalaki, binagsak na ni Lhana ang kanyang regalo at tumakbo na palayo.
Ang sakit pala. Ang sakit sakit. Paulit-ulit ang mga katagang yan sa kanyang isipan na parang sirang plaka.
Sapat ng marinig niya na nagsorry at humindi si Darwin para malaman niya na hindi ganoon ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya. Hindi sila parehas ng nararamdaman sa isa't isa dahil siya, mahal na mahal niya si Darwin pero ang mismong gusto niya at crush niya magmula elementary, hindi ganoon ang nararamdaman pabalik.
Bakit pa kasi ako nagtapat kung alam kong masasaktan rin naman ako sa huli? Bakit pa ako umasa kung wala na naman talagang akong nakikitang pag-asa? Bakit pa kasi nag-expect eh wala naman akong karapatan?
BINABASA MO ANG
Wala na... Nakita mo ba?
HumorYung totoo? Kailangan pa ba talagang ipamukha sakin na Lhana na parang sinasabing wala na ang pangalan ko?! (>___<)