--------

45 3 0
                                    

2 Chapters lang po ito. Enjoy reading kung may nagbabasa man! 

see Eunice at the right side and Darwin at the book cover  ------------------->>>

Lhana Eunice's POV

HAY!!!

After 123456789123456789 walks, salamat naman at nakaupo na rin ako sa aking napakagandang upuan. Kapagod talaga lalo na't nasa pinakamataas pang floor ang aming klasrum. 

Whoo! Eunice...

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Inhale---

"Lhana Eunice Fernandez!"

"Ay! Tipaklong! Ano ba naman, Ivy! Nagkoconsentrate ang tao, manggugulat ka na lang bigla. Mahiya ka namang bata ka.!" Pinagsabihan ko siya na parang isang bata. Haha! Pero parang hindi man lang natinag ang babaeng to at sinagot pa ako.

"Bakit, magugulat ka ba pag hindi ko binigla? Ha? Sabihin mo sakin. Kailan pa nagulat ang tao nang hindi siya nabibigla? Ha? Kailan? Sabihin mo!" Tapos umarte pa siyang umiiyak.

"Oo na! Magaling ka na! Pwede ka ng mag-artista. Sali ka doon sa Sine Mo To ng Showtime. Pedeng pede ka dun! Pramis!" yun lang naman ang hinihintay niyang sabihin ko eh. Pangrap daw niya kasing maging isang sikat na artista. 

"Banamanyan! Pang-Sine Mo To na lang ba ang acting skills ko? Di ba pedeng taas-taasan mo pa? Yung mala-Legal Wife na drama, mas pasok dun ang arte ko no!"

"Oo na! Oo na! Mala-Legal Wife na ang acting skills mo!" Magaling naman talaga siya umarte eh. Lagi siyang kasali sa mga theater plays sa aming school every year. At suportado ko siya doon. Proud best friend yata to no!

Yun nga lang di ko masyadong pinapakita sa kanya dahil baka masyadong lumaki ang ulo.

"Eunice!"

"Ay, amfowtek!!" Ba't ba ang hilig manggulat ng mga tao ngayon ha? Araw ba ng gulatan ngayon?! (-___-)

Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko lang naman ang isa sa mga kaklase kong lalaki na ang pangalan ay Darwin.

"Anong kailangan mo?" Masungit na kung masungit, eh sa masungit eh.

May sasabihin siya pero wala namang lumalabas sa bibig niya. Nagmumukha siyang isda sa ginagawa niyang pagbukas sara ng bibig niya.

"Ah... Eh... Umm..."

"Nagmemeditate ka ba? Alam mo, dapat nakaindian sit ka para mas fe- Aruy kuu po!" bigla niyang kinurot ang kaliwa kong pisngi. Huhu!

"Ehehe.. Wala na. Nakita mo ba?"

Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang siyang tumakbo.

"Hoooy! Bumalik ka ditong mokong kaaa!" pero ni lingon man lang di niya ginawa. Tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makalabas ng klasrum.

Humanda ka sakin mokong ka! Pagbabayaran mo tong ginawa mo.

"Hoy! Eunice! Tulala ka na naman diyan! Nandiyan na si sir oh. Tumayo ka na diyan!" sabi ko nga, 'Araw ng Gulatan' ngayon kung meron mang ganoon at sabi ko nga rin na tatayo na ako...

**********************

Yun ang unang araw kung kailan sinabi sakin ni Darwin ang kanyang 'peymus line'. Minsan nga naiinis na ako sa kanya dahil bigla na lang siyang susulpot para lang sabihin yun tapos tatakbo rin naman kaagad.

Pero gaano nga ba kadalas ang minsan? Araw-araw! Ibig sabihin, araw-araw niya akong binibwisit, pinepeste at iniinis at binibwisit ulit. 

Arrrggghhh!! Ganito at ganito na lang ba ang magiging routine namin sa bawat araw na dumaan?! Walang sawa lang ang peg?

**********************

PE time. Nasa gym kami ngayon. Akala ko walang mangpepeste sakin ngayon kasi napakapayapa ng umaga ko pero akala ko lang pala yun.

"Eunice!" Peste! Feeling close talaga yung pesteng yun. 

"Problema mo?! Kung makatawag ka sakin, kala mo kung kaano-ano kita ah." Pero ang mokong ngumiti lang. Mabatukan nga.

"Aruy! Lhana, ang sakit ha!" Ay anak ng tinapa!

"Hoy, mokong! Tigil-tigilan mo nga ang pagtawag sakin ng ganyan. Eunice na lang ang itawag mo sakin, wag lang yan."

"Akala ko ba FC ako pag tinawag kita ng Eunice? Kaya Lhana na lang okay?" Gustong-gusto ko nang burahin yang ngiting yan sa mukha na lalaking to! Urgh! 

"Lhana, wala na. Nakita mo ba?"

Asdfghjkl??!! Redundant lang? Ang sagwa pakinggan..!

 **********************

Wednesday, uwian na namin. Sumasabay siya ngayon sa aking paglakad. Pag binibilisan ko, binibilisan niya rin. Pag naman binagalan ko, babagalan niya rin. 

"Ano bang problema mo ha? Alam mo kung wala kang magawa sa buhay, magbigti ka na lang. Bili pa kita ng lubid, yung favorite color mo, kung gusto mo."

"Eto naman, di mabiro. Nagjojoke time lang yung tao eh. He he he.. Sabay lang ako sayo sa paglakad. O sabihin na rin nating ihahatid kita sa bahay niyo." sabay ngiting nakakamatay. Grabe namang makangiti tong lalaking to. Ngingiti na nga lang balak pang makapatay. 

Eunice, tigil-tigilan mo to.

"Lhana, tingnan mo oh! May airplane!" Seriously?! Mukha ba akong bata? Pero tumingin na rin ako.

Pangarap ko balang araw makasakay diyan no. At ayaw kong may namimiss ni isang eroplano sa aking paningin. Hangga't maaari, gusto kong makikita kahit sa malayo. Pero huli na yata ako.

"Yan, wala na! Nakita mo ba?" Seriously? Again. Pati ba naman sa pagtuturo ng airplane, sasabihin pa rin niya yan? 

Di ko na lang siya pinansin at mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Pero pag minamalas nga naman, mahaba nga pala ang mga bias niya. Sorry na lang siya at mahaba rin ang akin.

Kung titingnan kami ngayon, para kaming nagmamarathon. Yun nga lang, naglalakad lang kami. Nang mabilis. Mukha kaming shunga dito ngayon, sa totoo lang.

Walking distance lang ang bahay namin kaya nandito na kami kaagad. 

"Makakaalis ka na. Eto na ang bahay namin." Tatalikod na sana ako nang---

"Lhana." Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang niya ako niyakap.

Parang bumagal ang lahat. Yung mga taong naglalakad, yung pagsayaw ng mga dahon sa ihip ng hangin, maging ang mga nagtatakbuhang bata, lahat ay nagslow motion.

Posible pala yun? Posible palang mangyari ulit?

Yung puso ko, ang bilis! Parang nag-uunahan makarating sa finish line. Ano to?

"B--bakit?" Pati pagsalita ko naapektuhan. Ba't nararamdaman ko na naman to?

"Ma-------... Wala na. Nakita mo ba?" Tinulak ko siya. Seriously?!! For the third time.

"Wala ka bang ibang matinong sasabihin kung di yan at yan na lang ha?! Kung wala, makakaalis ka na." Tumalikod ako sa kanya para di ko siya makita. Sinira niya ang moment na yun. Pagkakataon na sana yun eh.

Eunice, sinabi ng tigil-tigilan mo na to! Di ba dapat hindi na mangyari uli...

Lumingon ako sa kinaroroonan niya at nakitang wala na siya. Bubuksan ko na sana ang gate nang may nakakuha ng atensyon ko sa semento. 

Isang regalo?

VOTE & COMMENT kung gusto niyo pa pong ipagpatuloy ko to.. Mga 10 po siguro pede na.

-Pahumble na DragonInDisguise (^_^)

Wala na... Nakita mo ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon