Sweet banats❤️

73 1 0
                                    

Hi readers :** sorry kung di ako nakapagupdate kahapon, at nung isang araw. ngayon lang kasi kami umuwi tas wala pang wifi dun sa pinuntahan namin.. Sorry talaga.

Vote and comment lang po tayo. :) thankyouu! :D

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na oh!" Pagtataray ko.

"Um, sorry. Gusto lang kasi kitang makita eh." Malambing nyang sinabi.

"Nagkita na tayo kanina ah! Di pa ba sapat yun?!" Sagot ko,

"Oonga. Di sapat yun. Gusto ko oras oras nasa tabi ko ang taong mahal ko."

Shemay ano ba to? Nakakakilig nakakakilig!! Tumalikod ako sakanya dahil sobrang pula ko na yata.

"wag kang tumalikod, alam ko naman na nagbablush ka eh.." Sabay kurot sa pisngi ko,

"Tsk! You better go home." Seryoso kong sabi. Nagpunta sya sa kotse at kinuha ang malaking bag. "Ano yan?" Pagtataka ko. "Dito ako matutulog. Nasabi ko na yan sa mga kuya mo, and the allowed me." Nakangiti nyang sinabi. Shete! San kaya to matutulog?! Wag sa tabi ko please please! "Dont worry di ako sa kwarto mo matutulog." Pang aasar nya. Mind reader to ah. "Ok! Aakyat na ko. Bye." Pagpapaalam ko. Bigla nyang hinatak ang kamay ko at hinalikan ang noo ko. "Iloveyousomuch." Malambing nyang sabi. Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko. Pakiramdam ko kasi ay sobrang pula ko na. Nagshower na ako at agad kong binuksan ang macbook ko para magtwitter. "Dito matutulog si crush sa bahay❤️" tweet sent.

Pinatay ko na ang macbook ko at nagsimula ng basahin ang she's dating the gangster na libro. Di ko kasi mahanap sa Wattpad ang complete story neto kaya bumili nalang ako. 15 minutes akong nagbasa at nakaramdam ako ng antok. Pinatay ko na ang lampshade at humiga na sa kama. Biglang may kumatok sa pinto "pasok" biglang bumungad ang muka ng mahal ko este ni Gab. "Can i sleep here? Di kasi ako makatulog sa baba eh." Sabi nya habang pamewang mewang. Nakainom siguro ito? Tssk! "Okay... What?! Dito ka matutulog?! No way!" Pagsigaw ko sakanya. "Okay sorry sa abala." Malungkot nyang sabi. Humiga na ulit ako sa kama ko. Di ako makatulog. Para kasing may mali eh. Pagkababa ko ay nakita ko si Gab sa hagdanan. "What the?! Gab! Bakit dito ka natutulog?!" Kaba kong tanong. Nagpikit dilat sya ng mata bago sumagot. "Ayaw mo kong patulugin sa kwarto mo eh. Gusto ko kasing safe ka kaya dito nalang ako sa hagdan atleast malapit sa kwarto mo." Bigla syang tumalikod sakin. "Okay, fine! Tara na dito. Sa kwarto ko na ikaw matulog!" Sigaw ko. "Wag na, ayokong napipilitan ka lang," seryoso nyang sabi. "Mukha ba akong napipilitan? Tara na dito." Pinatong ko ang braso nya sa balikat ko at hinawakan ko ang bewang nya.

Inihiga ko na sya sa kama ko at halata sakanyang nakainom sya. "Bat ka ba kasi uminom? Ayan tuloy. Kapag alam mong di mo kaya wag mo ng pilitin." Pagsusungit ko. "Inaya kasi ako ng kuya mo. Bakit ako? Alam kong di kita kayang pasagutin, pero pinipilit ko pa rin na masagot mo ako." Malambing nyang sabi. Litsii kinikilig ako sa mga banat neto ah. "Ugh! Sleep now. Goodnight." Sabay pisil sa pisngi. Nakita kong namula lalo sya nung pinisil ko ang pisngi nya.

May pasok naa ulit. -__- tinatamad ako. Tumigin ako sa paligid pero bakit wala na si Gab? San nagpunta yun?! Di man lang nagpaalam.

Bumaba na ako. Ng may naamoy akong parang nasusunog. What the?! Si Gab nagluluto?! Kaya naman pala amoy sunog eh! Tsk! "Gab! Anong ginagawa mo?! Sunog na yung niluluto mo oh! Umupo ka na nga lang dun ako na magtatapos!" Pagsigaw ko. "Sorry...." Malungkot nyang sabi. At umupo na sa sala. "Tsss tara nga dito." Pagtawag ko sakanya. Agad naman syang lumapit. "Ganito kasi yan........" Hinawakan ko ang kamay nya at itinuro ko sakanya kung pano magluto.

"Tada! Ang galing naman magluto ng prince ko." Paglalambing ko sakanya. Nakita ko naman syang ngumiti at namula. "Thankyou my princess. Kundi dahil sayo di ako matututo." Sabi nya. "Ay wala yun! Tara kainin na natin tong niluto mo." Excited kong sabi. Ngumiti nakang sya.

"Gab, kung di mo na matiis yung ugali ko. Pwede mo namang itigil ung panliligaw mo sa akin. Okay lang naman eh. Sinabi ko naman sayo diba na masyado akong moody at masungit." Sabi ko. "Alam mo Dana, kahit gaano kapa kamoody o kasungit, hinding hindi ko ititigil ang panliligaw ko sayo. Hindi kita pagsasawaan kahit anong mangyari." Sabi nya habang nakapatong sa kamay ko ang kamay nya. Ngumiti ako,

Nag ayos na kami dahil malalate na kami. Ang gwapo lalo ni Gab kapag nakauniform. Buti nga natitiis nya ako e.. Napakasungit ko kasi sakanya.

Hinawakan na ni Gab ang kamay ko at hinatak papunta sa kotse namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto.

At school

Magkahawak kamay kami ni Gab papasok sa school kaya pinagtitinginan kami ng mga tao.

Hinatid nya ako sa room at nagtilian lahat ng babae kong kaklase. Sorry sila akin lang to. Hahaha *evil laugh*

"Bye my Princess." Sabay hug sakin. "Bye my Prince," yumakap din ako. "Wait for me sa dismissal ah. Susunduin kita dito." "Okay." Sabay wave ng hand.

Pagpasok ko sa room ay nagsilapitan sa akin lahat ng babae. 'Uy kayo naba dana?' 'Nililigawan kaba nya?' 'Keylan pa?' 'Swerte nyo sa isat isa' yan ang mga sinabi nila sakin. Nginitian ko silang lahat ng dahilan ng pagtili nila.

Umupo na ako sa tabi ni Kenzo. "Kayo na ni Gab?" Nakangiti nyang tanong. "Di noh." "Kayo ba ni kenna? Kumusta kayo? Strong pa din ba? Haha!" Dagdag ko. "Oonaman yes." Nakangiti nyang sinabi. "Good." Ngumiti din ako.

Nagsilapitan sakin sila Kenna. At nilingon ko si kenzo nakita kong nakatitig lang sya kay kenna at namumula, "dana best! Kayo na ni gab?" Sabay sabay nilang sigaw. "Teka di nyo naman pinagpractican to noh?" Pagbibiro ko sakanila. "Di. Medyo nahuli pa nga tong si Laine eh." Sabi ni kenna. "Sorry naman! Oh ano? Kayo na?" Tanong ni laine. "Hmm di pa e." Sabi ko sakanila. "Ehem may 'pa'." Singit ni Angela. Nagtawanan nalang kami.

Fastworward ⏩ recess

Nasa ground kami ng may narinig kaming nagsasalita sa mic. Medyo familiar yung boses nya.. "Dana si gab oh nagsasalita sa mic!" Sigaw sakin ni kenna. Kaya naman pala familiar ung boses si gab lang pala. Ano kayang ginagawa nun? Nilapitan namin sya. "Dana!" Sigaw nya sa mic. "Dana Herrerra, c-can you be my girlfriend?" Lumuhod sya sa harap ko. At nagtilian naman lahat ng nanonood. "Yes Gabriel Sy!" Pagsagot ko sakanya. "Yes!! Guys narinig nyo yun diba? Pumayag sya!" Nakangiti nyang sinabi sa mga nanonood. "Thankyou dana." Sabay ngiti ng malapad. Yinakap nya ako bigla.

To be continued...

A/N: readers try ko po kagupdate mamaya. :) thankyou!

Vote/comment. Be a fan! :)

MY CHINITO BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon