Pagbabago..

48 2 0
                                    

Binuksan ko na agad ung mga pinadala nila mommy. Bagay naman sa akin lahat ung mga dresses. At ung isang gown na pinadala ni daddy para sa js prom ko, color black sya tapos may sequins.

Nag online muna ako sa fb sandali tapos ay hinanap ko ang pangalan ni Kenzo agad ko namang ito nakita at in-add ko na sya. Maya maya lamang ay inaccept na nya ako.. Nagchat kami

*pop*

Kenzo Martin: uy diba kaibigan mo si kenna?

Dana Herrerra: oo why? *ehem *ehem ikaw ah. :)

Kenzo martin is typing....

Kenzo Martin: eh hahaha sige na nga. Bye na goodnight see you tomorrow bestfriend. :)

Dana Herrerra: oki bye goodnight. :)

Chat conversation end.

May gusto sya kay...

Kay Kenna?! Omy gee! Sinasabi na nga ba na sila ung bagay eh❤️

Nag-out na ako para matulog..

Nagising nalang ako sa sinag ng araw, pagkatingin ko sa orasan ko ay 5:30 palang. Ganun ba ang effect pag gumanda na? Haay. Bumangon na ako para mag-ayos. Ang aga diba? Eh wala eh maganda na ako.

Ligo, kain, toothbrush, suklay, light make-up.

Tada! Im so pretty❤️ im inlove with myself.

Di ko ineexpect na gaganda ako ng ganito. Thankyou sa mga kaibigan ko.

Ginising ko na sila kuya. "Oh. Ang aga naman gumising ng baby girl namin." Malambing na sinabi ni kuya Mark sakin. Niyakap nya ako. Yumakap din naman ako. "Kuya gising na, kanina pa ako nakaayos oh." Niyuyugyog ko si kuya dahil ayaw pa nya gumising.. Maya maya ay tumayo na din sya. 30 minutes lang sya nag ayos kaya dumating kami sa school ng 6:30.

Pagpasok namin sa school lahat ay nakatingin sa amin ni kuya. "Baby girl tignan mo oh pinagtitinginan ka nila." Bulong ni kuya. "Ha eh kuya..." Di ko na natuloy ang sasabihin ko kay kuya ng bigla akong hinatak nila Kenna.

"Dana! Omy gosh! Is that you? Napakaganda mo na!" Sigaw sa akin ni kenna. Talaga tong babaeng to walang ginawa kundi sumigaw. Haays. Nginitian ko nalang sila. Ang daming nagcocomment sa amin napakaganda ko na daw. Nagandahan ko na daw sila. Pero wala akong pakialam atleast maganda na ako, yihiee!💖

Nakadating na kami sa room. Maging ang mga kaklase namin ay pinagbubulungan ako. 'Grabe si danna ba yan ang ganda nya' 'ang ganda ni dana' 'ang laki ng pinagbago nya malamang sa malamang madaming magkakagusto jan' 'yan nalang isali natin sa mr. And ms.' Yan ang mga narinig kong bulungan, kahit papano ay napangiti pa din ako... Di ko kasi ineexpect na ganun ang mga sasabihin nila.

Dumating na si Kenzo, agad siyang tumabi sa akin. "Dana?!" Halatang pati sya ay nagulat sa aking pagbabago. "Hahaha bakit?" Natatawa kong sagot. "Ang ganda mo! Best!" Nakangiting sinabi. Nginitian ko nalang din sya. "Best ano kasi.." Nahihiyang sinabi ni kenzo. "Ano?" Sagot ko sakanya. "Umm, pwede mo ba akong tulungan kay kenna?" Napasigaw ako sa sinabi nya! Omy omy omy! Kenna love kenzo is heartheart! "Oonaman best!! Ako na bahala sayo!"

Lumapit kami ni kenzo kay kenna. "Kenna, this is kenzo, kenzo this is kenna." Nakangiti kong pinagpakilala sa isat isa ang dalawa.mnakita ko silang parehas na nagblush! Ang galing ko talaga! "H-hi nice meeting you." Sabay nilang sinabi sa isat isa. Kami naman nila Angela ay nagtilian sa nangyari. Bagay naman kasi silang dalawa.

Nasira ang pag iingay namin ng biglang dumating ang Adviser namin.

"Okay class get a one whole sheet of paper." Sabi ni sir. Agad naman kaming kumuha sa aming mga bag. Pinasulat lang naman sa amin ang mahabang lecture. Tss pwede naman sa notebook nalang ang arte.

MY CHINITO BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon