Misteryo sa Lumang Bahay

391 2 0
                                    

Hi sa lahat ng nagbabasa sa wattpad at mga fans ng site na to. Bago ako dito at tawagin nyo na lang ako sa Pangalang Malaya. Ang ikukuwento ko senyo ay hango sa totoong buhay ang mga pangalang ng mga tauhan dito (including me) ay sadyang pinalitan ko para pangalagaan ang katauhan ng bawat character (ito ata trend sa pagsusulat eh..hehe)

Kinumbinsi ako ng pamangkin ko na magsign in sa Wattpad, para daw maishare ko ang mga kwento ko na nakakatakot. Ang mga kwento ko ay hindi kwento lamang, kungdi mga naranasan ko since bata pa ako. Ang totoo hindi ako naniniwala sa multo, kung meron man mga multo para sa akin ay masamang espiritu,weird anu. So, let's start.

It all started when I was in Grade 3...

Natatandaan ko noon, medyo makulimlim ang panahon, at may pagambon. Maingay sa room, wala si ma'am. Wala ang titser namin nun biglaan, nagmamadaling tumakbo may masama atang balita sa isang anak nya. naaksidente ito umano habang bumababa ng jip, ang kasunod na jip hindi agad nakapreno naipit ang anak nito at sa pag kakatanda ko nabali ang paa nito kaya ganun na lamang ang iyak ni ma'am. Dahil wala ang guro kanya kanyang kwentuhan ang mga kaklase ko.Palibhasa hindi ako maxado pala kwento at laging nasa sulok.Section 2 nga ako pero row 4 naman,nung panahon namin kapag hindi ka masyado active sa mga gawaing school nalalagay ka sa huling row at kung talagang tahimik ka nasa pinaka dulo ka pa ng silya ng row mo. Ang katabi ko nagsimulang lumapit sa iba namin kaklase na nagkukumpulan pagkaalis na pagkaalis pa lang ni ma'am .Naiwan ako sa pwesto ko at katabi ko ang bintana ng room kung saan makikita mo ang bakurang semento at kabilang kalsada, at higit sa lahat matatanaw mo ang isang up and down na bahay na abandonado,luma at parang dumaan ng sunog dahil sa maiitim nitong kisame at pader. Wala na ring salamin ang bintana basag basag, ganun din ang second floor nito idagdag pa ang nagkalat na kung anu anu sa terrace nito.

Ang katapat ng bintana kung saan ako nakapwesto ay ang terrace ng lumang bahay. At tama kayo sinasabing haunted ang bahay na ito. May mga pagkakataon na may nararanasan kaming kakaiba sa bahay na yun. Ang kalye kung saan nakapwesto ang bahay ay dinadaanan ng mga high school students at sa di ko maitindihan na dahilan ay binabato nila ang bahay, kaya inisip ko na ito ang dahilan bakit basag na ang bintana nito o maari din dahil sa sunog. Minsan naglelecture ang aming guro ng may bumato ng bahay rinig na rinig namin ang kalabog ng bato sa bubong nito, sinundan pa ng isang bato. Ang kataka taka sa pangyayaring iyon ay bumalik ang bato at ito tumama sa aming bintana, lahat kami napasigaw sa gulat.Mabuti na lang at may grills ang mga bintana. Isa pang naranasan namin ay minsan me narinig kaming dagundong na parang me nawawasak na gamit o bahay. Lahat kami napalingon sa kung saan naririnig ang tunog, sa bahay na luma. Natahimik kami lahat dahil gusto siguro namin alamin kung totoo nga ang naririnig namin, maya maya ang tunog na parang may nasisira ay napalitan ng hiyawan na parang may humihingi ng tulong tapos biglang nawala. Si titser sa ganitong pagkakataon parang sanay na idadahilan lang sa amin na ang hiyawan ay sa mga high school na walang magawa. Wow ha, hiyawan ba un na parang sumasabay sa hangin ang tunog at akala mo ay nirecord sa isang record machine saka pinatugtog.

Balik tayo sa araw na iyon kung saan lumayas ang aming guro ng walang pasabi .Palingon lingon ako sa aking pwesto sa labas ng aking bintana, wala naman ako natatandaan na kinakatakot nun, natutuwa ako sa ambon at patak ng ulan sa mga dahon ng puno na katabi ng paaralan. Gusto ko na umuwi at matulog na lang dahil malamig ang panahon. "Malaya.." sigaw ni Fred sa akin, ang aking katabi na dumayo pa sa kabilang row para makipagkwentuhan. Dun ko lang napansin na kanya kanya palang kumpulan ang mga kaklase ko, minsan tumatahimik kami kapag sumisilip ang guro sa kabilang room at bibilinan ang class president na maglista ng noisy. "bakit?" ang tanung ko sa pagtwag sa akin. " nakakita ka na ba ng multo?" ang sabi nito habang lumalapit muli sa aming pwesto " Multo?" yung ate ko oo, di ko alam pero sabi nila mama," ang walang muwang kung sagot. Siguro nakuha ang interes ng iba naming kaklase at sumunod ito ke fred at nagsimulang pumwesto sa lugar namin. " Talaga? me itsura ba un? sabi kasi nito ni Cristina me multo daw dito sa school at jan sa haunted house na tapat ng bintana natin." si Mark na parang hindi kunbinsado sa kwentuhan nilang grupo. "totoo naman eh nakakita ako jan sa haunted house ang pangit ng itsura, babae ito mahaba buhok ." Si Cristina na parang naiinis na idinidescribe ang nakita nya na di umanoy multo. Dahil nagiging interesante ang kwentuhan ng grupo hindi ko napigilan na hindi makinig at sinimulang ilapit ang upuan sa tabi nila Fred. Paghila ko ng upuan ko at tumalikod sa bintana kung saan ako nakatanaw kanina ay nakaramdam ako ng kilabot at gulat parang me humawak na malamig sa braso ko, sa gulat ko napabitaw ako sa upuan na hinihila ko at napalingon sa bintana. Laking gulat ko may tao sa terrace ng lumang bahay nakatayo,mahaba ang damit na medyo marumi,mahaba din ang buhok, sigurado  ako babae,babae ang nasa terrace babaeng walang mukha!  Sa gulat ko napaatras ako at di sinasadyang naapakan si Mark na katabi ni Fred. Nabaling ang tingin ko ke Mark na napasigaw sa pagkakaapak ko. Napatakip ako ng bibig, at naluha." Soorrry.." ang mahina kong nasabi ke Mark. " Huh? anung nanyari sa u bakit ganyan ang itsura mo?" ang tanung ni Mark sa akin na parang takang taka sa reaksyon ko. Natakot ako ng husto at di ko magawang sabhin ang nakita ko.

Misteryo sa Lumang BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon