Umuwi ako ng bahay na parang natutulala pa din, hindi ako makapaniwala sa nakita ko ng araw na yun. Totoo kaya ang nakita ko o dahil naimpluwensyahan lang ako ng mga kwentuhan ng mga kaklase, ni ang pagsilip ulit sa bintana ay hindi ko na nagawa. Parang magkaksakit ako. Parang may nagbago sa akin.
Sa hapag kainan nagsimula ako magtanung about sa mga multo at kung totoo ito,ang sabi ng aking mama na meron daw mga multo pero hindi sila ang mga taong yumao na, na bumabalik pa ulit at nagpapakita dahil nasa Biblia di umano ito. Ang mga multo ay mga masasamang anghel na ipinatapon dito sa lupa. Sa edad ko na na siyam na taon lalo ata ako naguluhan sa ginawa kong pagtatanung sa kapmilya. Iniba ko ang strategy ko sa halip itinanung ko sa mga ate ko ang kwento ng lumang bahay malapit sa school.
Maraming bersyon ang kwento ng lumang bahay at ilalahad ko ang ibat ibang bersyon na nakalap ko.
Bersyon #1: Ito daw ang tahanan ng Babae sa Balete Drive at dito pinatay ang biktima
Ayon sa kwento ang babae sa balite drive ay di umano'y nagpapakita sa mga taxi driver sa nasabing kalsada (balite drive). Ang popular na kwento sa kalsada na ito ay meron di umano'y malaking puno ng balite sa kalsadang ito at dito nagpapakita ang naturang babae para mambiktima ng mga driver na pipick-up o magsasakay sa kanya at isa daw itong enkanto.
Ang isa sa bersyon nito na maaring konektado sa lumang bahay ay ang babae di umano ay isang biktima ng karumal-dumal na krimen na taxi driver ang may gawa. Sinasabi na ang babae ay pinick up sa balite drive at inihatid di umano sa bahay niya, at dahil maganda ang babae nagkaroon ng masamang balak ang driver. Nagkulang daw ang pamasahe ng babae at kinakailangan nyang pumasok ng bahay at sinabihan ang driver na maghintay ito para sa bayad ngunit hindi alam ng babae ay sinundan ito ng driver at pinasok ito sa kanyang tahanan at dun ginawa ang krimen at para macover up ang ginawa ay sinunog ang bahay. Sinasabi din kasi na ang lumang bahay malapit sa school ay may mga humihinto na taxi sa gabi naghihintay daw umano sa babae na magbabayad at pumasok sa loob ng lumang bahay ngunit wala na daw bumabalik sa kanila, at ayun sa sabi sabi ay pinick up ang babae sa balite drive. Dahil siguro sa kakulangan ng ilaw ng panahon na yun hindi man lang napapansin ng mga driver na lumang bahay pala ang pinapasok ng babae na sumasakay sa kanila.
Bersyon #2: Ang Bahay ay sinadyang sunugin matapos aksidente mapatay ng asawang lalaki ang babae dahil sa pagseselos
May mga kwento kwento na ang lumang bahay malapit sa paaralan ay pagmamay ari ng magasawa na may kaya (halata naman dahil sa laki ng bahay nito) napakaganda di umano ng babae at malimit ang pagtatalo ng mag asawa dahil sa mga pagseselos ng asawang lalaki. Dumating daw sa punto na nilolock ang gate ng kadena para daw hindi makalabas ang asawa o may pumasok sa bahay nila kapag wala ang lalaki. Malimit daw sa pagaaway ng mag asawa ay nagbabatuhan ito ng gamit dahil nanakit di umano ang lalaki kaya malimit marinig ang parang may nagsisira ng gamit sa lumang bahay. Isang gabi di umano humantong sa aksidente ang pag aaway ng dalawa at namatay ang babae at dahil di matangap ang nanyari,sinunog ng lalaki ang bahay kasama ang kanyang sarili.Isa din bersyon nito ay dahil sa pag aaway nila aksidenteng nasunog at di agad nakalabas ang mga tao sa loob.
Bersyon #3: Natutulog ang mga tao sa loob ng Masunog ang bahay.
Hindi ko na siguro kelangan idetalye anu? (hehe) Ito daw ang nanyari kaya walang nakaligtas sa bahay na iyon.
Bersyon #4: Ninakawan at Minasacre ang buong tao sa bahay at sinunog ng mga magnanakaw ang bahay para walang ebidensya.
Anu pa man ang bersyon ng kwento o misteryo ng lumang bahay hindi pa rin matatangi na may kakaiba sa bahay na iyon siguro dahil matagal na itong abandonado. Ganun pa man hindi ito ang katapusan ng mga kakaibang pangyayari sa buhay ko sa halip ay simula pa lamang.Simula ng walang katapusang pagtatanung sa misteryo ng mundong aking ginagalawan.
M.M.