Ang Panaginip

195 19 12
                                    

Sorry po ulit!

Ito na bagong chapter oh. Pasensya na ang lame po ee. :((

Basahin niyo po ung LOVE SPIES!! Todo endorse na po ako dito.. Hahaha! Kasi andaming reads nito kesa sa Love Spies eh.. Mas naiinspire ako dun.

Pero itutuloy ko pa rin to. :)

Hihi. Enjoy!

0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=

+Daniel's POV+

Naglalakad ako sa kawrto na to.

Natutulog silang lahat.

Hindi ako mapakali.

Tsk. Bakit ba ako napasok sa lugar na to! Nakakainis namang buhay to oh!

Pati si Kath nandito.

Hmmm.

Kausapin ko kaya yung multo?

"Uhmmm. Hello? Multong Frined? Nandiyan ka ba? Kung nadiyan ka... ANo ulit yung tanging paraan para makatakas kami dito?"

Naghintay ako.

Pero wala namang nangyayari.

Haaaay.

Kailangan ko na talagang makaisip ng paraan.

Bigla na lang lumamig yung hangin. Pero iba talaga kaysa sa malamig na hangin.

Akala ko yun lang...

Bigla na lang may dugong umaagos doon sa may ilalim ng pinto. SHocks! Napaatras ako doon!

Nanlaki ang mga mata namin. Takte! Bakit kasi may dugo!!

Bigla na lang bumagsak yung pinto at may isang babaeng nakaputi tapos ..

tapos... WALA SIYANG MATAAA!!!

Pero hindi siya lumapit. Bigla siyang lumingon sa kanan niya tapos umalis doon.

Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang sinundan.

Nakita ko na rin yung labas. Pero may nakahandusay na dalawang lalaki sa may gilid ng pinto. At mukhang doon galing yung dugo na umagos.

Sinundan ko lang yung multo. Hindi ko alam pero bakit trip kong lumingon sa paligid.

Para siyang isang abandonadong building. Pero madilim.

Pero bigla na lang napahiga yung babaeng multo. Hindi ako sa kanya natakot. Kasi, parang may kinatatakutan siya. Bigla na lang may isang naka-hood na lalaki! May hawak siyang kakaibang patalim!

Sasaksakin niya yung multo tapos bigla na lang dumilim ang lahat.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!!!!"

(A/N: Imaginin niyo na lang ung Pagpag. Yung scene na sumigaw siya ng Waaaag! XD)

.

"Aisht. DJ! Gumising ka nga!! DJ! Nanaginip ka!"

Si Kath pala yun.

Nagising ako.

Hinahabol ko pa rin yung hininga ko. Hush. Bangungot lang pala yun!

Tumingin ako sa may pinto at nakasarado pa rin ito. Nakatingin silang lahat sa akin. Pinagpapawisan na ako.

"Iho, anong napaniginipan mo?" tanong sa akin ni Sir Albert.

At nang ikinwento ko sa kanya yun, napaisip siya.

"hmmm. Hindi iyan isang normal na bangungot"

Duh. May bangungot bang normal? (-_-) ambakla potek.

"Ang ibig kong sabihin, mukhang isang mensahe iyan. Siguro ng multong sinasabi niyong tumutulong sa atin."

Bigla namang nagsalita si Julia.

"Yung multo po?"

"Oo. Kasi pinakita niya sayo Daniel ang hitsura ng labas hindi ba?"

"O-opo."

"Natatandaan mo ba lahat?"

"Opo. Hindi ko po makontrol ang ulo ko noon. Umiikot lang po siya at parang may nakahawak doon. Kaya kitang-kita ko ang labas."

"Oo. Tinutulungan nga tayo niyan. Hmmm. Ang hindi ko lang maintindihan eh, sino yung lalaking naka-hood at bakit takot na takot sa kanya ang multo?" sabi ni Kuya Albert.

Hala oo nga. Takot na nga ako sa multo, tapos may kinatatakutan pa yung multo?? EEEE!!

Tapos bigla na lang humapdi ang noo ko.

"AAARAAAY!!!" napasigaw na ako sa sborang sakit.

"DJ!??? ANONG NANGYAYARI??" sigaw din sa akin ni Kath.

Pag-angat ko ng ulo, nagulat si sir Albert sa akin.

"Iho!! Isang.. Isang.....!!!"

Ano?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayan. 2 updates po muna. Haha!

Sorry po ulit! :)

Out na po kasi ako. Sinakto ko lang. Balak ko pa isang chapter kaso out na talaga eh.

Salamat powzxcz! XD

~James

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Eye (JulNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon