No Average Demon ♣ President's Order pt. 1

109 9 2
                                    

No Average Demon ♣  President’s Order pt. 1                                                                                                        

Dedicate sa kanya kahit walang Jjae x Vern scenes. Sorry ^^,

~*~*~*~                                                                              

|| Kei’s Point of View ||

“Hello Kei? Asan ka na ba?”

Ang kulit talaga nitong si Vern. Pangatlong beses niya na ‘tong tanong sa akin. “Sa detention pa nga. Mamaya ka na tumawag dahil ma-e-extend na naman ako dito kapag nahuli akong gumagamit ng phone.” Sabi ko sa kabilang linya. Paano kasi, thirty minutes na akong nakatambay dito sa detention dahil nahuli ako ng teacher ko sa Economics na naglalaro ng 2Fuse sa discussion niya.

“Whatevs. Basta habol ka dito sa rooftop ‘kay?”

“Hai, hai.” Ibinaba ko na ang tawag at mabilis na itinago ang cellphone ko sa bulsa. Mabuti na lang talaga at lumabas ang teacher na nagbabantay sa akin nung tumawag si Vern kundi malalagot na naman ako. May lunch date na naman ang barkada at as usual, ako na naman ang hinihintay. Malas ko lang talaga at ngayon pa ako na-detention.

“Salo!” Napatingin ako agad sa may pinto.

“Kuso! (Dmn!) Pwede namang i-abot bakit kailangan mo pang itapon?” Inis na tanong ko kay Guevarra pagkatapos masalo ang box ng strawberry milk.

“Para may thrill.” Mapang-asar na sagot niya. Bwiset talaga kahit kelan.

“Bakit ka andito? May kelangan ka ba sa akin?” Umupo siya sa desk na nasa harapan ko habang umiinom ng coke in can.

“Ang tagal mo kasing lumabas kaya nainip na ako.” Sagot ko at tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Sino bang nag-utos sayo na hintayin mo ako?”

Nagkibit-balikat lang ang bwiset. “Gusto ko lang. Bawal ba?”

Inis ‘yan. Nabara na naman ako. “Nag-lunch ka na?” Pag-iiba ko ng topic.

“Mmm ...” Nag-nod lang siya. “Tagal mo kasi. Gusto mo bilhan kita?”

Agad akong umiling. “Nah, ‘wag na. ‘Tsaka may lunch date ako ngayon.” Pagkasabi ko niyan, kumunot bigla ang noo niya.

“Date? Kanino?”

“Lunch date with Vern and the rest of the gang. Akala mo kung ano na ‘no?” Pang-aasar ko at pinitik niya ako sa noo. “Yah!” Reklamo ko.

“’Wag kang magbiro ng ganyan dahil nagseselos ako.”

W-wait. Nani? (What?) Nagsisimula na naman siyang umakto na parang wirdo. Teka, bakit ‘di ako makasagot? Chikusho! (Dmn it!) Bwiset. Ayoko ng ganito. Ang awkward!

“Miss Standford, your detention is over. You may now take your lunch.”

Phew! Saved by the bell.

**

“At bakit ang tagal mo? Thirty minutes na lang kaya bago mag-time.” Bungad ni Vern sa aki pagkadating ko sa rooftop ng Main Building.

“Gomena. (Sorry.)” Sagot ko sabay kuha ng muffin sa basket na nakalatag sa blanket.

“Bakit ka na naman na-detention?” Tanong ni Russel sa akin habang nakaakbay.

No Average DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon