Chapter 13.

67 8 0
                                    

≈ Chapter 13

Kevin's POV

Mahal na mahal talaga ni Kate ang pamilya niya.

Pursigido niyang talunin ang kalaban kahit wala siyang kalaban-laban.

Pero alam kong matatalo naming ang mga ugok na yun sa determinasyon palang ni Kate kitang-kita mo na hindi niya hahayaan na masaktan at bumagsak ang kumpanya nila.

Pero bakit ganun nung narinig ko yung boses nung nasa ospital ako parang ayaw ko nang pakawalan at iwan si Kate?

"Ano?! Nasundan niyo ba si Kate?"Natatarantang sabi nung lalaki.

"Dapat hindi sila magkita pag nagkita sila malalaman niya na kapatid niya yun." Ano?Kapatid?

"Sige, Alam niyo na ang gagawin niyo."

At ibinaba niya na ang cellphone niya. Kaso hindi ko lang nakita ang muka niya tanging boses niya lang ang narinig ko.

May sikreto kaya siyang tinatago kay Kate? At ano yung sinabi niyang Kapatid?

Sinundan ko yung lalaki kanina.

Nakita kong pumunta sa may abandonandong  bahay.

Nakita ko ang pag patay niya sa tatlong lalaki na nakatali.

Binaril niya ito gamit ang binigay na baril ng mga kasamahan niya.

Pero bago niya yun barilin may sinabi pa muna ung isang lalaki na katali.

"Sorry po ang akala po namin siya po ung pinapahanap niyo pong si Ashley Ally Perez medyo magkahawig po sila. Patawarin niyo na po kami boss hindi na po mauulit." Nagmamakaawa niyang sabi.

Pero hindi niya pinakinggan ang mga ito at binaril niya na ang mga ito sa may ulo.

Pagkatapos nun umalis na ako baka mahuli pa ako.

Pero hahanapin ko ang babaeng nag ngangalang Ashley Ally Perez.

Dahil na sa kanya lahat ng mga kasagutan ko.

"Ganito ba Kevin?" Tanong naman sa akin ni Kate.

"Ah! O-Oo tama ganyan nga."

"Pagkatapos kong sipain at suntukin ang mga to. Ano naman ang gagawin ko?"

"Mag pupush-up ka naman pagkatapos nun Sit-ups naman dapat maka 200 ka parehas pagkatapos nun puwede na muna ikaw mag pahinga."

"Waaa~~~!! Ang dami pwede bang discount?"

"Hindi pwede kailangan mong mag palakas. Kahit nag aral ka na ng mga Martial Arts kailangan mas mahigitan mo pa ang mga yun."

Pagkatapos kung sabihin ang mga yun. Wala na siyang nagawa kung hindi gawin ang lahat pero ang galling niya nagagawa niya ang lahat ng sabihin ko.

Dito kasi sa mini gym ko lahat nandito na mga barbels at kung anu-ano pa.

Dito ako natuto mag-isa para maging malakas.

Narinig ko may parang may tumutunog na cellphone.

"Akin yun!"

"Naku! Patay ako kay Hershey!" Nagmamadali niya naman kuhanin ung cellphone niya at sagutin ung tawag.

Pero sino si Hershey?

Siya kaya yung taong yun?

Kate's POV

My Missing Puzzle Piece (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon