Chapter 1: First day

45 5 2
                                    

Hi I’m Alissa Marie Severano. Incoming 4th year. Actually this day is my first day sa bago kong school. Lumipat kami for some reasons that I really don’t know.

“Marie” si mama yun. Tawag kasi sakin dito sa bahay ay Marie.

“Po?” sagot ko.

“6:30 na, ready ka na bang pumasok sa new school mo?” tanong ni mama. Nandun siya sa baba at ako andito sa may kwarto. Ayos kami mag-usap no? Long distance?  Para hindi na mahirapan si mama, bumaba na ako.

“I’m ready to go Ma, wish me luck.” Sagot ko. Then nagpaalam na ako at nagsimula na maglakad papuntang school, 15 minutes away lang naman yung school sa bahay kung lalakarin.

Actually kinakabahan ako. Syempre I’m entering a new school, so for sure new classmate, new teachers, new environment and hopefully, as in hopefully talaga, new friends. .

.

.

.

.

I was enjoying walking on the street (taray english yan ah) when someone bump me.

“Aray naman” sabi ko. Natumba kaya ako. Paano tumatakbo siya na hindi naman tumitingin sa dinadaanan nya.

“Ay sorry miss, tumayo ka na dali.” Sabi nya habang tinatayo ako agad agad. As in parang hindi naman ako nasaktan na kung itayo nya ako agad agad.

May lakad ka kuya?  Nagmamadali???

“Teka naman, makatayo ka naman, sana hindi mo na lang ako tinayo, kita mong natumba ako syempre nasaktan ako, kung itayo mo naman ako parang mababali yung buto ko.” sabi ko sa kanya nung nakatayo na ko.

“Tinayo ka na nga galit ka pa. Nagsorry na nga ang sungit mo pa.” sagot nya.

Aba, ang yabang nang lalaking to ah, mukhang hinahamon ata ako nito ah.

“Aba kuya grabe ka ha. Akala mo kung sino---“

“Look nagmamadali ako, kung maysasabihin ka, next time na lang pag nagkita ulit tayo. Wag ngayon busy ako.” sagot nya at lumakad na paalis.

“As if gusto pa kita makita?!!” sigaw ko sa kanya.

Kainis sinisira nya ang magandang umaga ko.

Pinagpag ko na yung sarili ko, ang daming buhangin na kumapit sa uniform ko. Badtrip yung lalaking yun nakakainis.

So ayun na nga nakarating naman ako ng buhay at maayos sa school. Medyo nawala na yung badtrip ko nung makita ko ulit yung school, ang laki kasi talaga nya. Dumiretso na ko sa principal’s office kasi nga late enrolee din kasi ako. late na ako ng 1 week.

Pinasamahan ako ng principal dun sa magiging adviser ko, siya din kasi yung teacher sa first subject kaya sabay na kami pumunta sa classroom.

“So you are my new student, you are Ms. Alissa Marie Severano right?” tanong nung magiging adviser ko. (inangkin eh, adviser ko lang? hahaha)

“Yes ma’am.” Sabi ko sabay ngiti.

“By the way I’m Ms. Airelle Joy Santiago, I’ll be your adviser.” Pakilala ni Ms. Santiago. Mukhang mabait tong adviser namin na to. At mukhang bata pa siya parang nasa early 20’s palang siya.

Then dumiretso na kami sa classroom, pero nauna munang pumasok si Ma’am Airelle.

“okay class, last week I told you that you’ll have a new classmate right?” tanong ni Ma’am airelle sa mga student nya.

“Yes ma’am, andyan na po ba siya?” narinig ko na may nagsalitang lalaki, ewan ko ba parang medyo pamilyar yung boses na yun.

“Tama ka Mr. Pelaez” sagot ni Ma’am Airelle.

My Not So Ideal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon