Chapter 4: kilig eh

21 3 1
                                    

“Ah, hindi kakakilala lang namin, nabunggo ko kasi siya, siya nga pala si…”

 .

.

.

.

“Jayrald!!” isang babae ang biglang sumulpot sa may gilid namin at may binulong siya kay Jayrald.

“sige pare next time na lang. may pupuntahan lang ako sandali.” Paalam ni Jayrald.

“sige pare.” Sabi naman ni Aldrin at umalis na nga si Mr. yabang.

“Ayun nakita ko na.” sabi ko sabay labas ng phone ko.

“sayang naman hindi ko kita napakilala sa bestfriend ko,” sabi nya.

Bestfriend nya yun?!

“ngayon lang kita nakita dito ah. Bago ka lang ba?” tanong nya.

“ah, oo transferee kasi ako dito.” Sagot ko naman.

“ah kaya pala, anong year mo na ba ?” tanong nya.

“fourth year.” Sagot ko.

“Fourth year ? oh? Talaga?” tanong nya. Bakit kaduda-duda ba na fourth year na ako? alam ko naman na maliit ako, pero di ba talaga halata na fourth year na ko? mukha parin ba akong elementary??

“bakit? Muka ba akong elementary?” tanong ko sa kanya.

“hindi naman, ang cute mo kasi. Ang baby face mo. Kaya hindi ko ineexpect na 4th year ka na pala.” Sagot nya.

WHAAAA!!! Kita nyo yun?? Ang cute ko daw! Saka ang baby face ko!! yes ang laki na ng chance na maging kami ni ideal boyfriend ko.

“ah ganun ba?”

Feeling ko nagblush ako bigla. Akalain mo yun ang cute ko daw.

“oo nga pala. May audition kami next week para sa pwedeng mag vocalist sa banda namin. Naghahanap kasi kami ng female vocalist eh. Baka gusto mong mag audition next week.” Sabi nya.

Female vocalist? Whaaaa!! Mukhang siya na talaga. Siya na ang ideal boyfriend ko. siya pa yung nakatadhana sakin. Mukhang pinaglalapit kami ng destiny.

Destiny thank you so much.

“sure. Hmm. Pwede ko bang makuha yung number mo. Para itetext na lang kita if ever may tanong ako about sa audition. Kasi parang gusto kong itry mag audition next week eh.” Sabi ko.

[N/A]: para maitext tungkol sa audition eh.  123 para paraan.

Shhh! Wag ka na nga magulo miss author. Eto na yung chance ko. its hitting two bird with one stone (tama ba?) tingnan mo ha? Magkakaroon na ako ng chance na makasama siya lagi if ever makuha ko sa audition na yan tapos makukuha ko pa yung number nya.! Ayos to.

“sige akin na yung phone mo.” Tapos dinial nya na dun yung number nya.

“sige salamat.” Sabi nya.

“san nga pala yung room mo? Para ihahatid na kita.” Tanong nya.

Ang sweet naman nya. Ihahatid nya pa ako sa room ko.

“Room 204” sagot ko.

 “ah sige hatid na kita. Makatabi lang pala tayo ng room eh.” Sabi nya.

Shemay. Magkatabi lang kami ng room? Eh bakit hindi ko siya madalas makita?

“Ano umokay okay na ba yung paa mo?” tanong nya.

Paa ko? ay oo nga pala, kunwari pala masakit yung paa ko.

“Medyo okay na.” sagot ko. Tapos medyo inalalayan nya ko sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng room.

“sige. Una na rin ako sa room ko. bye Alissa. Nice meeting you.” Sabi nya.

Nice meeting you daw. Ibig sabihin natuwa siya makilala ako!!

“Whaaaaaa!!!” sigaw ko pero mahina lang.

[N/A]: may sigaw bang mahina???

Oo yung paa kang nasigaw pero walang boses. Wag ka na ngang makialam.

Medyo nagtatatalon ako sa kilig. Syempre sino ba namang hindi kikiligin dun no? yung ideal boyfriend mo nakasama mo mag lunch, tapos binigay sayo yung number nya. Tapos hinatid ka pa sa room mo, sabi Nice meeting you…. At wag kalimutan sinabihan nya din ako ng cute kanina!! Odiba diba??

“oi Alissa. Nagtutumalon ka jan? problema mo?” paninita sakin nina Jessa.

“ah wala. Exercise. Hehe. Ge upo na ko.” sabi ko at dumiretso sa upuan ko.

Buong maghapon siya lang ang natakbo sa utak ko. siya lang at wala nang iba. Hayyyyy..

Natapos ang klase na hindi nawawala yung ngiti sa mga labi ko.

Pag uwi ko sa bahay mag vovocalization na ko. kailangan mas gumanda pa ang boses ko, para makasama ko sa banda ni Aldrin my loves.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng room. Kaso biglang may humila sakin at nakatakip yung kamay nya sa bibig ko. dinala nya ako sa sa may gilid ng school.

“hhmmp..hmmmmp.hmmmp” syempre nakatakip nga yung bibig ko kaya hindi nyo maiintindihan yan.

Pero itatranslate ko na para sa inyo. Sabi ko. “ano ba bitawan mo ko!”

Tapos nakita ko na kung sino yung humigit sakin.

O.O

Oh no!! lagot na ako nito. T.T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Not So Ideal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon