13th Floor (Part 4)

3.7K 12 2
                                    

                   Ang mga sumusunod na kwento ay base lamang sa malikhaing pagiisip ng sumulat. Kung may mga pangalan, pangyayari, lugar, o bagay na tumugma sa anumang kwento ay pawang nagkataon lamang.

                      Amy: "Tulungan mo ako!"

                                         Hindi makapaniwala si Marco dahil kakabalita pa lang na patay na si Amy at bigla itong magchachat sa kanya.

                                        Marco: "Ikaw ba si Amy? Patay ka na 'di ba?"

                                       Amy: "Tulungan mo ako?"

                                       Marco: "Nasaan ka?"

                                      Nawala sa chat si Amy. Isa pa rin malaking palaisipan para kay Marco kung bakit nagchat sa kanya ang isang namayapa na.

                                      Habang patuloy sa pagcocomputer si Marco ay parang may napansin siyang tao na nasa likod niya dahil sa replekyon ng monitor ng computer. Nang siya ay lumingon, nakita niya ang isang tao na nakatakip ang mukha na parang si Kamatayan at may dala dalang patalim at handa na siyang saksakin at patayin.

                                      Mabuti na lang at agad nasipa ni Marco ang taong iyon at ito ay natumba. Agad agad siyang tumakbo. Sinilip niya ang killer at bigla itong naglaho sa kinahihigaan niya. Napagpasyahan ni Marco na bumaba ng building at manghingi ng tulong. Dahil sa pagod, siya ay sumakay sa elevator.

                                    Pinindot niya ang button na "Ground floor" at ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay nawalan ng kuryente ang elevator. Pagkabalik ng ilaw ay nakita niya sa repleksyon ng pintuan ng elevator ang killer na nasa likod niya.

                                "Mamamatay ka!" sigaw ng killer.

                                Inagaw niya ang patalim na hawak nito. Sinaksak ni Marco ng paulit ulit ang killer hanggang malagutan ito ng hininga. Napagpasyahan niyang silipin ang mukha at sa laking gulat niya, ay si Phillip ang nakita niya.

                             Bumukas na ang pintuan ng elevator at nakarating na sila sa ground floor. Laking gulat niya ng makita ang maraming pulis at nakatutoksa kanya ang maraming baril.

                           "Barilin niyo na!" sigaw ng isang pulis.

                         Pinaputukan ng mga pulis si Marco ng ilang beses, tadtad sa bala. Napahiga sa sahig si Marco. Kitang kita niya ang duguang katawan niya at laking gulat niya dahil suot niya ang damit ng killer at napansin din niya si Phillip na walang buhay at hindi nakadamit ng pang killer.

                       Ilang minuto palang ay nilagutan na si Marco ng hininga. Hindi na niya natupad ang matagal niyang pangarap na maging nurse.

                     "Sir, nakuha na po namin ang CCTV ng 13th floor at sa elevator." wika ng isang pulis.

                    Pinanood ng mga pulis ang CCTV at napanood nilaang lahat ng eksena. Nang papaalis na si Amy ay sinundan ito ni Marco at dinala sa banyo at tinadtad ng saksak ang dalaga. Napanood din nila ang paghagis ng bangkay ni Amy mula sa bintana ng building. Si Marco rin ang pumatay kay Phillip na nasa elevator.

                  "Sir nakuha na rin po namin ang mga recorded calls ng mga empleyado kanina." wika ng pulis.

                  Nagregister na ang number na tumawag kay Amy ay number na mula kay Marco.

                   Simula noon pinasarado na ang 13th floor ng gusaling iyon. Wala pang nakakaalam kung bakit pumapatay si Marco at sigurado ang mga pulis na may kasabwat siya dito.

                  Naging kapugaran ng takot ang buong 13th floor.

                               

                                                                                     =end=

                             

                    

Mga Kwentong Kababalaghan (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon