13th Floor (Part 1)

13.6K 20 5
                                    

                   Ang mga sumusunod na kwento ay base lamang sa malikhaing pagiisip ng sumulat. Kung may mga pangalan, pangyayari, lugar, o bagay na tumugma sa anumang kwento ay pawang nagkataon lamang.

                      Sinasabi sa mga pamahiin na malas raw ang numerong 13 sa anumang uri ng bagay, mapa-petsa, kaarawan, palapag ng isang gusali, at iba pang bagay, kayanaman, maraming tao ang natatakot at umiiwas numerong trese.

                      Ang mga ibang nagtataasang mga establishemento ay walang ikalabing tatlong palapag sapagkat naniniwala ang mga may-ari na magdadala ito umano na malas sa kanilang mga negosyo at personal na buhay. Kayanaman, pagkatapos ng ikalabing dalawang palapag ay ikalabing apat na ang itatawag dito imbis ikalabing tatlo.

                       Ngunit sa isang establishemento sa Paranaque City ang may ikalabing tatlong palapag. Dito nagtatrabaho si Marco Beunaventura, isang Customer Care Representative kilala sa tawag na 'Call Center Agent.'

                        Si Marco, 24 ay bago pa lang sa kumpanyang iyon at siya ay nag-apply sa posisyon bilang isang Call Center sapagkat hindi pa siya nakapapasa ng board exam. Si Marco ay nagtapos ng Nursing at nais niyang matupad ang kanyang pangarap na maging isang nurse. Habang naghihintay sa resulta ng board exam, ay nag-apply muna siya bilang isang Call Center Agent.

                         Simula ng matanggap siya sa trabaho, siya ay na-assign sa ikalabing tatlong palapag ng gusali. Tulad ng iba, para kay Marco ay malas ang dalang dulot ng numerong 13.

                          Nagsimula ang paniniwala ni Marco na malas ang numerong trese noong labing tatlong taon gulang siya. Namatay kasi ang mga magulang niya sa isang aksidente at siya lamang ang tanging nakaligtas. Friday the 13th din iyon kaya doble malas para sa kanya ang numerong 13.

                           Labag man sa kalooban ang pagkaka- assign sa kanya sa ikalabing tatlong palapag, ay tinanggap na lamang niya eto. Siya ay na-assign sa graveyard shift.

                            Sa shift na yun, tanging 3 lamang silang empleyado ang nagtatrabaho. Bilang isang graveyard shift, gising sila sa gabi at tulog sila sa umaga. Sina Amy, Philipp, at Marco ang magkakaramay sa ikalabing tatlong palapag.

                             Isang araw, wala masyadong calls na pumapasok kaya napagpasyahan ng tatlo na magkwentuhan tungkol sa mga kababalaghan na nangyayari sa kanilang palapag. 

                             "Total bago ka pa naman dito Marco eh dapat malaman mo na may mga nagpaparamdam na mga multo dito sa 13th floor," kwento ni Amy.

                             "Oo nga tol, isang beses nga habang nagsasalamin ako sa CR, nakita ko talaga sa may salamin na may kamay na nakakapit sa balikat ko. Pero nung paglingon ko, wala naman." kwento ni Phillip.

                               "Grabe naman pala dito. Teka, 'di ba kayo natatakot?" tanong ni Marco.

      

                                "Nung una pero sanayan na lang yan." sagot ni Phillip.

                              "Mas grabe yung naexperience ko. Nagta-type ako ng mga assignments ko ng biglang may naririnig akong nagtatawanang mga lalaki. Nakakatakot yung mga boses nila. Wala namang ibang tao noon." dagdag pa ni Amy.

Abangan ang mga susunod na kabanata.

                              

Mga Kwentong Kababalaghan (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon