Umpisa.
Sept. 18 2017
12:24pmBahagya akong huminga ng malalim ng matapos kong ipaliwanag sa unahan ang report na ginawa ko sa isang paksa namin sa Filipino. Mejo ninenerbyos ako kahit paulit ulit akong nagrereport sa unahan. 'Miliminas ang planeta na kung saan walang mabait at tanging masasamang adhikain nag bumubuhay sa sanglibutan.'
Kasabay ng pagsasalita ko sa unahan ay kasabay ko din nag uusap usap ang mga kaklase ko sa sari-sarili nilang paksa. Kasabay din ng hindi ko mabilang na pagsaway ng teacher namin sa Filipino at adviser na si Misis Padua. Napapatirik ang mata nya at napapailing dala ng maingay kong mga kaklase.
Sa pakiwari ko nga ni isa walang nakinig sa pagsasalita ko, maganda ang paksa na nireport ko sa unahan.
"Malakas pa ang mga bibig nyo sa nagsasalita sa unahan. Pero kapag tinawag ko para magreporting humihina ang boses nyo. Respetuhan naman tayo aba!" Mahabang tumatalak na naman si Mrs. Padua. Ilan sa mga kaklase ko ay nahihikab pa at parang wala lang sa kanila ang mga sermon nya.
Tiniklop ko ang libro at binalik kay Mrs. Padua bahagya syang ngumiti ng kinuha nya sa akin ang libro.
Bumalik ako sa pangatlong hilera kung saan ako nakaupo. Nasa ikalawang periodiko na kami at tanging ganun palagi ang sitwasyon. Since Grade seven ako at ngayon Grade Nine na ako ganun pa rin ang sistema."Jusko hindi ko na alam kung ano pang gagawin sa inyo. Ang sarap nyong ipaglalagapak ng pang habang buhay! Kung wala pa si Miss Delflora aba baka lalo na kong walang makausap ni isa sa inyo. Pasensya ka na Damaris at napabilang ka sa bulok na seksyon na ito. Suhestiyon din ng ilan sa mga kapwa guro ko na huwag kang ilipat ng seksyon at baka tuluyan ng walang pumasok ni isang guro sa klaseng to." Niligpit ni Mrs. Padua ang mga gamit nya at lumabas ng klase.
Nagsitayuan ang ilan sa mga kaklase ko at nagsimula na namang magusap usap. May ilan umupo sa lamesa ni Maam Padua, sa armrest para lang makaharap ang kausap nila.
"Pasikat na naman si ugat! Dapat nga inaalis ka na sa section namin dahil pabibo ka." Sigaw ni Loise kay Hazel.
"Tss. Hayaan nyo na teachers pet ehh parang aso kung makasunod sa mga teacher natin." Nagtawanan lahat ng mga kaklase ko sa banat ni Jameson.
"Paano mana sa Ate nyang pasikat din. Feeling elite porke galing sa private school. Isang kahig isang tuka din naman kagaya ng kapatid nyang pulpol." Sigaw ni Hazel. Pinag iinitan na naman ako. Hindi ko alam kung saan at paanong naging mainit ako sa mga mata nila.
Noong una baliwa lang sakanila na kahit na ako na lang palagi ang ume-effort sa bawat paksa namin. Maski sa groupings at kung ano ano pang activities tangin ako ang naglalagay ng malaking effort sa pag iisip ng sagot. Oo minsan hindi ko kayang mag ambag pagdating sa financial pero sa effort talaga ako bumabawi.
"Tama na yan." Suway ni Zenith.
"Aysos! Huwag ka ngang feeling jan Zen kaya ka lang naman nakikisawsaw dahil nagpapalipad hangin ka sa ate nitong si Ugat. Isa ka din naman dati sa amin na nilalait sya." Tinunghay ko sa pagkakatungo ang ulo ko.
Si Zenith Gregory Vallinger ang isa sa ngayon masugid na manliligaw ni Ate Jamella. Aminado ako na crush ko sya simula nang grade eight ako. Isa din sya sa nangantyaw sa akin pero hindi ako apektado.
Storm black ang kulay ng mga mata nito. Matangos ang ilong, makipot mapula ang labi nito. Tuwid at laging nakaayos ang itim nitong buhok. May maputi at makinis ang balat. Matangkad at kilala sa paggiging basketball player ng school namin.
Hindi na umimik si Zen sa patutsyada ni Hazel. Bahagya namang sinuklay ni Hazel ang brown nitong buhok at inayos ang collar ng blouse nya. Nakakaasiwa lang dahil bukas hanggang sa pangalawang butones ang blusa nya ganun din ang ilan sa mga kaklase kong babae. Parehas maputi si Hazel at Loise ganun din ang kulay ng buhok na may pagka hazelbrown. Chubby at maganda si Hazel habang si Loise ay matangkad at petite ang pangangatawan.
"Anong tinitingin tingin mo ugat?" Umiling ako at binalik ko sa notebook ko ang atensyon ko tatlong beses kong tinaktak ang ballpen para mabawasan ang pagkaasiwa na nararamdaman ko. Tumabing ang alon alon kong buhok sa kabilang side ng mukha ko kung nasaan ang pilat sa mukha ko ng isang aksidente.
Marka ito ng minsan magpaputok si papa ng baril at aksidenteng tinamaan ako ng bala. Mula sa kaliwang pisngi pababa sa gilid ng ilong ko ang naging pilat ng pagkakatahi nito. Nag iwang ng kelloids hanggang sa hindi na nawala at nagmistulang parang ugat na bumalatay sa mukha ko maigi lang at di naapektuhan ang aking mata baka mas laling hindi naging normal ang buhay ko kung sakaling nabulag nga ako.
Matatagalan pa bago ulit may pumasok na guro sa amin. Kung may gugustuhin pang magturo sa amin.
Umaalingawngaw ang usap usapan ng mga kaklase ko at paksa na naman nila ang pagkainis sa ate ko.
"Hindi ko nga alam kung bakit nasa higher section yung hitad na yon at ewan ko din ba bakit baliw na baliw ang ilan sa mga boys dito sa school."
Masakit din marinig sa tenga na nilalait ang kapatid mo. Pero wala akong magawa.
Sarili ko nga hindi ko kayang ipagtanggol dahil hindi ko kayang makipagsabayan sa bibig nila. Yung tipong isa pa lang ang nasasabi mo nakasampu agad sila.
Dati naman hindi nila ako binubully hanggang sa lumipat ng school si Ate Jam.
Bully nga bang maitutulad ang sa akin? Wala pa naman sa punto na sinasaktan nila ako physically pero nakakaapekto sa akin ang mga panunukso at pagpapasaring nila sa akin. Kumukurot sa puso ko.Sa pagkakatanda ko wala naman akong ginawa sa kanila masama. Ok na sakin yung walang kumakausap sa akin ayoko na ng ganito yung tipong lahat ng kaklase ko mainit ang mata sa akin.
Naramdaman ko ang pagguhit ng ballpen sa aking likuran.
"Oopps sorry." Nakangisi si Ivary habang nagbubungisngisan sila sa likuran ko.
Sinulatan na naman nila ang luma kong polo.
Nilingon ko ang nasulatan bahagi ng polo ko. UGA.. kulay itim na ballpen ang pinangsulat nila sa akin.
Ugat na naman.
Ugat. Paso na lang kulang. Bulaklak. Tinubuan ng ugat ng balete. At kung ano ano pang panunukso nila sa mukha ko dahil iyon sa aksidenteng pilat na di ko ginusto.Kinaya ko lahat dahil ayokong maglabas ng sama ng loob at masyadong emosyon dahil ako din ang talo kung magpapaapekto ako.
Patuloy pa din sa bungisngisan ang mga nasa likuran bahagi ko na pinagpatay malisya ko na lang.
Okay lang yan Damaris be matured. Pagpapakalma ko sa sarili ko.
Pero hanggang saan nga ba aabot ang pasensya ko.
~ImAllyoursKharrian~
(Hi! I hope you'll support my new stpry. Thank you.)
BINABASA MO ANG
Sweet Stolen Beauty (Abusado SERIES 2)
RomanceUmibig hanggan sa may iniibig. Aasa hanggang pinapaasa. Masaktan hanggang sinasaktan ka. pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng pighati. Magiiwan ng sugat. Marka na kahit kailan man ay di mo kayang makalimutan. Sana nga sumama na lang lahat ng emosyon s...